[15] Confused

130 2 0
                                    


[15] Confused

3rd Person's POV

Hanggang ngayon ay buhat buhat parin ni Jack si Sam. Walang gumagalaw sa kanilang dalawa, ilang minutong nakalipas simula nang saluhin ni Jack si Sam sa pagkakahulog. Matapos nang mga nakakalitong salitain ni Jack ay wala nang nagsalita sa kanilang dalawa. Ngayon ay parehas lang silang nakatingin sa isa't isa.

'Jack ano ba yung sinabi mo kay Sammy? Anong ibig sabihin nun?'bulong nito sa sarili

'Sam bakit hindi ka pa bumaba? Gustuhin ko man ay hindi ko magalaw ang katawan ko. Para akong naging bato dito'kinakausap na rin ni Sam ang kanyang sarili.

"Seniorito yung mangga daw po ni Seniora!!"sigaw nung katulong nila Jack

Mabuti nalang at sumigaw yung katulong nila Jack at bumalik na sa katinuan yung dalawa. Binaba na ni Jack si Sam.

Mukhang nagkakahiyaan pa yung dalawa. Pinulot na nila yung mga manggang nahulog.

"Sorry"bigkas ni Jack. Dahil nagkauntugan sila. Ngumiti nalang si Sam sa kanya.

"Eto na yung mangga"Sam

"Salamat"Jack at bumalik na siya sa bahay nila para ibigay sa Lola Estella niya yung mangga.

Si Sam naman ay nanatili lang duon sa may puno nang mangga at naupo. Hanggang ngayon pilit nuyang iniintindi yung mga sinabi sa kanya ni Jack.

"Aaaarrrgghhs"sigaw niya sabay gulo nung buhok niya

"Ako ang ringtone mo. Ako ang ringtone mo. Sagutin mo na. Ako ang ringtone mo"

Biglang tumunog ang cellphone ni Samantha. Kuya Stephen niya pala ito. Kaya sinagot niya

"Hey Kuya How's Hongkong?"

"Ayos naman wala paring pinagbago:). Ikaw musta jan sa bakasyon mo?"Kuya Stephen

"Haayy ewan di ko alam kung maayos ba o hindi eh. Basta,Kelan ka uuwe? Kawawa naman si Kuya Simon walang kasama sa bahay:("nalungkot siya nung naalala niya yung kuya Simon niya. Nagkaroon pa naman sila nang away bago siya umalis

"Siguro bukas uuwe na ako. Mahal na mahal mo talaga si Kuya noh?! Miss mo na siguro? By the Way Sam anong gusto mong pasalubong?"Kuya Stephen

"Siyempre love na love ko yun:) pati ikaw love na love ko. Miss ko na si Kuya Simon pati ikaw kuya Stephen. Gusto kong pasalubong yung nakakatanggal nang stressed,meron ba jan?"

"Hahaha Miss na rin kita Sam:)  Bakit naman yun? Pero Sige maghahanap ako kung meron dito.Osha Sam mag uumpisa na yung meeting namin. Ingat ka dyan:) I love you"Kuya Stephen

"Sige Kuya galingan mo ha? :) Thank you in Advance na rin hehehe I love you too Kuya Stephen Byeeee"

Pagkatapos niyang kausapin yung kuya nawala yung iniisip niya kanina naging maganda na naman ang mood ni Sam. At lalo siyang natuwa dahil nasabihan siya nang Kuya Stephen niya nang I Love You. Kulang nalang ay magtatalon siya sa kilig. Minsan lang kasing maging sweet sa kapatid yung si Stephen.

Naisipan niyang bumalik sa Rest House at kumain. Simula pag gising niya kasi ay hinanap na niya agad si Jack.

Habang nag lalakad siya ay may nakita siya nang binilog na papel.

"Tsk.tsk. Mga tao talaga kung saan saan nag tatapon tss"bulong nito sa sarili

Pero nacurious siya dun sa papel at binuklat ito. Naweirduhan siya sa nakasulat sa papel. Feeling niya kasi nangyayari sa kanya ito pero hindi pa niya sure kung totoo talaga ito.

Ang nakasulat sa papel ay:

"A person who irritates you always...
Is the one who loves
you very much but fails to express it."

Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad at tinapon sa basurahan yung papel.







Jack's POV

"Mamita ito na po yung mga mangga"sabay abot ko sa kanya

"Salamat. Ay nagkita ba kayo ni Samantha. Hinahanap ka kasi niya sa akin. May sasabihin daw siya sayo"Lola Tella

"Ah opo nagkita nga po kami." Anong sasabihin niya sa akin? Haist Pabayaan mo na nga yun

"La lalabas lang po ako nang Villa ha? May bibilhin lang po ako saglit"paalam ko sa kanya

"Sige iho,mag iingat ka"Lola Tella

Lumabas na ako at pinuntahan ko na yung kotse ko.

Sa totoo lang wala naman akong bibilhin. Gusto ko lang talagang magpahangin at mag isip isip. Hindi ko na kasi alam kung anong nangyayari sa akin eh.

Hindi ko alam kung bakit ko ba nasabi yung kanina? Feeling ko kasi sa sarili ko may iba pang ibig sabihin nun eh.

Hindi ko alam kung bakit ako natulog sa kwarto ni Sammy?

Ang alam ko lang pinadala lang nang lola ni yung gamot pagkain pero hindi na ako lumabas nang kwarto niya.

Hindi ko alam bakit natutuwa akong asar asarin siya? Bakit lagi akong napangiti kapag nakikita siya?

Hindi ko rin alam kung ano yung mararamdaman ko matapos akong yakapin ni Sammy nung niligtas ko siya sa mga holdappers sa palengke?

At higit sa lahat hindi ko alam kung bakit nalalabas ko yung pagiging lalaki ko kapag napapahamak si Sammy?

Sobrang gulong gulo na ako.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin.

Anong meron ka Sammy at napapalabas mo yung pagiging lalaki ko? Anong meron kang tomboy ka unting unti mong pinapawala ang Jackielou sa katawan ko?

Anong ginawa mo sa akin?

-
(A/N: Ansabi ni Jack na naman? Puro katanungan na gumugulo sa isip niya hahah Ito na ba ang umpisa nang pagbabago ni Jack? Abangan:)))) Vote Comment or Share )

-&Shaims

Ang Beki at Ang TiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon