[37] Her Side Story

77 3 0
                                    

[37] Her Side Story

Sam's POV

"Bakit ngayon niyo lang sinabi yan? Ngayon pang mag dedeadline na. Andami pa nating kailangan hanaping papeles para maprove natin na may pinadala tayo sa branch nila. Hindi pwedeng wala ang mga iyon dahil tayo ang makwekwestyon kapag hindi nagbalanse ang total nang legder natin sa kanila." Sermon ko sa kanila. Ngayon balik sa normal yung buhay ko. Nung nakaraang week kasi nag leave ako para makapagbonding kami ni Jack pero in the end nag away lang kami haaayyys

"We are very very sorry Ma'am akala po kasi namin maayos namin ito agad kaya di na namin sinabi pa sa inyo" Karen

"At inisip din namin kayo alam po naming ngayon lang kayo nagbakasyon simula nang pumasok kayo dito Ma'am hindi naman namin maatim na istorbohin po kayo sa leave niyo" Jodi isa sa mga accountant din

"And Ma'am napag alaman namin na kasama niyo po ang boyfriend niyo kaya mas lalo po kaming nahiyang magsabi sa inyo dahil inisip din namin na kailangan niyo rin pong magbonding dalawa para mas lalong magtibay yung relationship niyo. Parehas pa naman kayong mga busy sa mga trabaho niyo" dagdag pa ni Franz. Pero kung alam mo lang hindi ganun ang nangyari

"Osya sya I accept your reasons pero sa susunod hindi na. So back to work marami tayong kailangan gawin  malapit na ang deadline" tas nagsibalikan na ang na sila sa mga pwesto nila.

.

Ako naman ay hinanap ko ang mga files nung last quarters dahil napoproclaimed ang Cebu Branch na walang transferring of accounts ang nangyari. Naalala ko dahil nakulangan nang kaunti ang pondo para sa pag oorganize at mag lalaunch nang bagong Items namin. Masyado kasing naging centralized dito kaya mas madaming nag sponsor nang launching kaysa sa Cebu kaya sinabihan ko si Kuya Simon na yung ibang sponsor ay sa Cebu sila mag sponsor. Hindi naman sila tumanggi at pinagbigyan ang request ko at Inemail ko agad ang Cebu Branch. At lahat nang papeles na ginamit para sa transferring ay pinaphotocopy ko para syempre pag nawala ang original may proof kaming maipapakita. Kaya naman nagtataka ako na prinoproclaimed nila na walang transferring naganap. At ilang minuto lang ay nahanap ko na. Iniscan ko ito at sinend sa Cebu Branch agad agad naman silang tumawag. Nagkaroon lang daw nang misunderstanding iba daw kasi yung pagkakaintindi nila nung kinausap & ni Karen. Pinasa ko rin kay Karen para may kopya sya.

Napaupo na ako Swivel Chair. Nang mahagip nang mata ko yung picture namin ni Jack. Ilang Araw na hindi pa rin sya nag paparamdam. Busy parin ba sya sa work niya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Napayuko nalang ako at sinandal ang ulo sa lamesa ko. .

Naramdaman kong bumukas yung pinto. Si Franz pala.

"Sorry Ma'am kung di na ako kumatok. Napansin ko po kasing mukhang steess na stress at problemado kayo eh okay na naman po yung sa Cebu Branch" Franz

"Hindi dahil dun kung bakit ako nagkakaganito" sagot ko sa kanya

"Tungkol po ba Kay Jack este kay Sir Jack po ba? L.q po ba kayo?"Franz

"Di ka din matanong noh?" Tas napatingin naman ako sa hawak niya

Kaya napatingin din sya

"Ay Ma'am nakalimutan ko kaya po pala ako nandito para ibigay sa inyo ito Ice cream po oh?" Franz. Tinaasan ko lang sya nang kilay as my responds

"Kung nagtataka po kayo kung bakit Ice cream? Kasi sabi nila stress reliever daw ang Ice Cream lalo na kapag Chocolate flavor." Franz

"Saan ka naman nakakuha nang Ice Cream dito? Sana pinagtimpla mo nalang ako nang kape"

"Ma'am hindi mabuti yung kape nang kape. Kaya ang laki laki nyang eyebags niyo. Siguro Ma'am hindi kayo natutulog sa tamang oras? Napupuyat ka ba lagi Ma'am?" Franz

Ang Beki at Ang TiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon