[41] Headache

92 3 0
                                    

Sam's POV

Grabe binigay ko na ang bataan ko kay Jack kahit hindi pa kami totally kasal. Yari ako nito kay Mommy.

"Okay lang po ba talaga kayo? Eh napapadalas na po yung pagkakaroon niyo ng headache eh" Kuya Simon

"Hindi okay lang ako Simon. Madami ka nang inaalala ayoko nang dumagdag pa. Lilipas din ito" Mommy.

Naririnig kong nag uusap sina Mommy at Kuya Simon. KAya sinilip ko yung kwarto ni Mommy. Hindi naman masyadong nakalapat yung pintuan kaya sinilip ko sila Mommy. Andun din pala si Kuya Stephen sa loob

"Pero Mommy ngayon may masama kang nararamdaman ikaw ang uunahin namin. Hindi ba Stephen?" Kuya Simon


"Tama yun Mommy, nag aalala kami sa inyo. Magpapaschedule na ako sa doctor niyo. Baka mas improvement na yung sakit niyo" Kuya Stephen


What? May sakit si Mommy? Hindi man lang nila sinasabi sa akin? Ang daya naman nila. Kaya binuksan ko na yung pintuan at gulat na gulat naman sila sa pagdating ko. Nilapitan ko agad si Mommy


"Bakit hindi niyo sinasabi na may sakit pala kayo? Kuya ang dadaya niyong dalawa. Bakit tinago niyo sa akin ito?" sabi ko sa kanila

"Wala akong sakit Samantha tignan mo ang lakas lakas ko oh? Tsaka mga over acting lang yang mga kuya mo lalo na yang si Stephen. Hindi ba?" Mommy


"Pasensya ka na Sam oa lang talaga siguro kami. Syempre ayaw naming magkasakit si Mommy kaya naman gusto namin sya ipacheck up dahil nga lagi syang may headache pero sabi nga ni Mommy okay lang sya kaya hayaan nalang natin sya pagpahingahin" Kuya Simon


"Pero nari-"

"Samantha lumabas na tayong tatlo pagpahingahin na natin si Mommy tsaka may mga itatanong pa kami ni Kuya sayo" Kuya Stephen

Ano namang itatanong nitong mga kuya ko aber. Lumabas na kami nila kuya at dumiretso sa sala.

"Umupo ka nga dyan" sabi ni Kuya Stephen

Umupo naman ako "Para akong nasa hot seat sa ginagawa niyo eh. Bakit ba kasi?"

"San ka galing ha?" Kuya Simon

"San ka natulog kagabi?" Kuya Stephen

"Sino kasama mo?" Kuya Simon

"Bakit hindi ka man lang nagsabi kung nasaan ka kagabi?" Kuya Stephen


"Grabe ang daming tanong. Pwede kayong maghost ng talk show pwede kayong pumalit kay Boy Abunda pati kay Kris Aquino"

"Hindi ba matino ka naming tinanong Sam" Kuya Simon


"Ito na nga eh. Mga pikon agad tsss. Ganito kasi iyon galing ako sa condo ni Jack --"


"Bakit di ka man lang nagsabi o nagpaalam man lang isa sa amin. Alam mo bang nag aalala sayo si Mommy kagabi." Kuya Stephen


"Pasensya na pero diba sabi ko naman sa inyo hahanapin ko si Jack kaya nga ako nagleave ng 1 month diba? Tsaka empty battery na iphone ko nasa kotse yung charger ko. Hindi naman ako makahiram kay Jack dahil samsung yung sa kanya tsaka Kuya nakalimutan ko na din manghiram ng phone dahil nga may sakit si Jack kagabi ayun inalagaan ko muna. Nagpakadakilang girlfriend muna ako."

"Saan ka natulog? Magkatabi ba kayo? My ginawa ba kayong hindi naayon ha?" Kuya Simon

"Kuya kailangan mo pa bang malaman yan? Sa kanila na yun." Kuya Stephen

"Hindi bunso natin yang si Sam baka mamaya iwanan sya ni Jack tas buntis pala sya. Ayokong mangyari yun. Magpakasal muna kayo bago niyo gawin yan" Kuya Simon


Naku kuya malapit na kaming ikasal ni Jack kung pwede lang sabihin na agad sa inyo pero kailangan ko pang inatayin ang kaarawan ni Mamita. Tsaka kuya nagawa na namin yun kanina lang hahaha ang landi kasi ni Bakla eh hahaha

"Kuya syempre hindi namin ginawa yun. May sakit nga si Jack diba? MAY lakas paba yun sa mga ganun hahahaha. Tsaka kuya matutulog na ako grabe 2 araw na akong walang tulog hindi ako nakatulog sa condo ni Jack. Alam niyo naman kung bakit? Oh sya goodnight mga kuya. Maghanap na din kasi kayo ng mga lovelife para hindi kayo naloloneky dyan." Kinissan ko sila sa mga pisngi nila at umakyat na at pumunta sa kwarto ko. Sorry kuya nagsinungaling ako.


Ang Beki at Ang TiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon