[13] Sick

167 3 0
                                    

[13] Sick

Sam's POV

Ano bang nangyayari sa akin bakit ko ba niyakap si Jack? Napatingin tuloy ako sa kanya. Kapag titignan mo siya habang nagdadrive hindi mo aakalain na bakla pala siya dahil yung porma niya ay lalaking lalaki. May itsura naman kasi si Jack ewan ko bakit naging bading to? Pero kanina habang nakikipagsuntukan siya parang lumabas ang beast mode ni Jackie hahaha XD

Pero Ano bang nangyayari sa akin? Haaayyy Buhay anu ba ito ?? >__<

Nagulat ako nung hinawakan ako ni Jack

"Uy Sammy anong tinutunganga mo jan labas na at baka hinahanap na ni Lola Beatriz mo yang pinamili natin:)"Jack

Bakit nung hinawakan niya ako para bang may kuryente siyang kasama ? Sam tomboy ka hindi ka na babae Sam tandaan mo yan!!! Didistansya na ako habang maaga pa baka ano pa ang mangyari sa akin kapag pinagpatuloy ko ito.

Lumabas na ako nang kotse niya at dumeretso sa kusina

"Oh Bakit anta--Jack what happened to your face?"Lola Beatriz

Asa likod ko pa pala si Jack. :)

"Lola sorry po kung natagalan kami ni Sammy*sabay tingin niya sa akin na nakangiti*Muntik na po kasi siyang mawala tas muntikan na rin po siyang mahold up ka--"Jack

"Sinong nahold--Oh my apo anong nangyare jan sa mukha mo bakit may pasa?"Lola Tella kasama si Lolo Ed at Lolo Estevan

"Gaya nga po nang sinabi ko muntikan na pong mahold up sa palengke si Sammy"Jack

"Diba Jack sabi ko sayo bantayan mo siya"galit na sabi ni Lolo Ed

"Lo wag po kayong magalit kay Jack ako yung may kasalanan kung saan saan po kasi ako pumupunta kaya nahiwalay ako kay Jack. Kaya nahold up ako mabuti nalang at natagpuan ako ni Jack at pinagtanggol ako sa mga holdapper na yun. Kaya po may pasa siya sa mukha pasensya na"sabi ko sa kanila

"Hindi lang pala gentleman yang apo mo Eduardo may pagka superman rin pala siya"Lolo Estevan

Anong superman? Mas bet niyan si Darna o kaya si Wonderwoman

"Kanino pa ba mag mamana yang apo kung di sa akin"Lolo Ed

Nagtawanan naman ang mga matatanda.

"La punta muna po ako dun sa kwarto ko. Medyo sumama po yung pakiramadam ko eh"paalam ko nalang

"Sige hija Uminom  ka na rin nang gamot para hindi lumala"Lola Beatriz

Pumunta na ako nang kwarto. Pag may period talaga ako nagiging weak ako anubayan Buti nalang at patapos na ito.Matutulog na lang ako buong maghapon

Jack's POV

Anong nangyari dun kay Sammy?Bigla nalang tumamlay kanina ang sungit sungit. Yan ba epekto nang period? Di ko na nga papangarapin yun. Proud na ako maging ganto nalang

"Pakidala naman ito kay Samantha . Mukhang masama kasi talaga yung pakiramdam niya."Lola Beatriz

Kinuha ko na yung tray na may pagkain at gamot.

"Salamat Jack"Lola Beatriz

Umakyat na ako sa kwarto niya. Kumatok muna ako pero walang sumisigaw na 'PASOK' kaya pumasok nalang ako

"Sammy?"tawag ko sa kanya pero walang response niya.

Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya at kumot na kumot.Nilapag ko muna yung hawak ko at nilapitan ko siya at hinipo yung noo niya Geez!! Ang taas nang lagnat niya

"Sammy bangon ka dyan"ginigising ko siya

"Hmmmm"Sammy

"Sammy bumangon ka jan at kumain ka para makainom ka na nang gamot"

Buti naman dumilat na siya.Kaya inalalayan ko siyang bumangon.

"Bakit ka andito?"Sammy grabe groggy yung voice niya

"Kasi yung lola mo pinadala sa akin to. Oh kain ka na:)"sabi ko sa kanya

Pero umiling siya. Ano ba tong tomboy na to parang babae. Tsss

"Kumain ka Sammy. Para gumaling ka kaagad."pamimilit ko

"Ayaw =3="Sammy

Ganito ba ito kapag nagkakasakit nagiging babae.

"Kumain ka na. Susubuan kita:)"

Hindi naman siya kumibo. Kaya sinubuan ko na siya. Buti namin kumakain na siya.

"Ganyan dapat. Kumain ka para gumaling ka kaagad. Wala akong kasama eh. Ayoko naman dun sa mga tanders:)"

Tumawa naman siya sa sinabi. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero ang cute nun ah.

Hey hey Jackielou Bading ka bakit ka nacucute-tan jan sa tomboy na yan.

Haaayyy Jack umayos ka nang buhay mo. Si Papa Jun Pyo lang dapat ang iniisip mo hindi itong Sammy.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagpapakain sa kanya. Pagkatapos ay pinainom ko na siya nang gamot.

"Pahinga ka na Sammy:)"sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. Inalalayan ko na siya humiga.

Para siyang babae kapag may sakit. Bagay na bagay sa kanya yung buhok. Tinititigan ko siya habang siya'y natutulog. Napaka peaceful nang mukha niya. Napaka angelic. Akala mo ang bait bait pero kapag gising halimaw hahahaha. Pero pagdating sa kanya ang gaan gaan nang pakiramdam ko. Parehas kasi kami na hindi matanggap kung ano kami.Magkasundo kung baga. Hahaha Siya yung unang babaeng hindi ako nailang.

-

(A/N: Ito na ba ang umpisa nang pagbabago nang pagkatao nila Jack at Sam. Abangan.....)

-&Shaims

HappyNewYear:))

Ang Beki at Ang TiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon