[43] The Accident

70 2 0
                                    

Sam's POV

"Babe? Gising na dali! Babe. Ano ba yan tulog mantika" naririnig kong sabi ni Jack. Teka andito sya sa kwarto?! Kaya naman bumabgon agad ako.

"Anong ginagawa mo dito?!" bulyaw ko sa kanya.

"Ikaw ang aga aga ang init ng ulo mo tsss" tas tumayo na sya

"Yun na nga eh, ang aga aga gusto ko pang matulog eh. Paano ka ba kasi nakapasok dito? Asaan si Mommy? Buti pinapasok ka nya dito sa kwarto ko."

"Ay naku walang tao dito sa bahay niyo ngayon. Wala mga kuya mo dito pati si Mommy mo. Mga kasambahay niyo lang ang nandito tsaka ikaw." Jack

"Saan naman kaya sila pumunta?"

"Aba ewan ko wag mo akong tanungin." Jack

"Tinatanong ba kita?"

"Eh sinong kausap mo?!" Jack

"Sarili ko bakit bawal ba?"

Tas lumapit ulit sya sakin "Ay naku! Yung future wife ko nababaliw na" Jack napangiti naman ako sa sinabi niyang 'future wife' hahaha kinikilig tuloy ako. Bayeeern!

"Tse! Ano bang ginagawa mo dito?"

"Syempre Babe babawi nga ako sayo kaya ako andito. Matagal tagal din akong hindi nagpakita sayo at alam kong sobra kang naistress sa nagawa ko kaya ito bumabawi ako sayo. Kaya maligo ka na at mag ayos ang pangit mo na eh"Jack

Aba grabe talaga itong baklang ito makalait.

"Tse! Lumabas ka na nga. Kala mo gwapo ka tss. Maliligo na ako"

"Pwede sabay tayo?"

"He?! Ayoko!! dun ka na manyak ka!" tas tinulak ko sya palabas ng kwarto ko

"Yan ang pinakamalaking insultong binato sa akin. Kahit kailan hindi ako nasabihan ng manyak. Grabe kang babae ka! *tsup* akala mo ah?" Jack at sinara na niya ang pinto.

Grabe ano bayaaaaaan. Kinikilig ako hihihihi. Nasabi ko ba sa inyo na lalong gwumapo si Jack? Grabe kahit naka denim shorts lang sya tas naka vneck na skyblue at naka sneakers. Parang may ganun din akong damit yun nga ang maisuot para partner kami.

Pagkatapos ay bumaba ako sa sala. Ayun naka upo lang sya at nakikinig ng music.

"Shall we go?" sabi ko sa kanya. tumayo na sya at tinaggal yung headset niya.

"Wow ah? Ginaya mo pa ootd ko? Tsss. Ayoko pa naman sa lahat may kaparehas akong damit" Jack

"Edi mag papalit na!"

"Ito naman galit agad? Parang niloloko lang ah? Buti naman may ganyan kadin damit. Bagay na bagay na talaga tayo diba yaya? Bagay kami ni Sammy?" Jack

"Oo naman po Sir Jack:)" Sabi ni Manang. Bigla kasing napadaan si Manang dito sa sala.

"Hihiramin ko muna itong amo niyo. Kayo na bahala sa bahay nila. Wag kayong magpapasok ng kung sino sino ah?" Jack

"Opo Sir. Ingat po kayong dalawa ni Ma'am Samantha" sabi pa ni Manang

Lumabas na kami at nakita kong iba na naman ang kotse niya at Lambo pa ito.

"Bago?"

"Yeah, binenta ko yung isa. Masyadong girly eh" Jack

Natawa naman ako Hahahaha. Buti naman at totally nang nawala si Jackielou. Aba dapat lang di pwede na kaming dalawa ang nakagown sa kasal namin. Hahahaha

Sumakay na kami at umalis na kami. Parehas kaming nakashades sa loob. Naramdaman kong hinawakan ni Jack yung kamay ko. AT hinalikan

"Babe I love you so much very very much" Jack

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Beki at Ang TiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon