[35] His Reason

60 2 0
                                    

[35] His Reason

Jack's POV

Pinanuod namin yung mga footage sa cctv medyo natagalan din ilang oras din kasi yung narecord Tas madami pa sila CCTV na nakakabit dito

"Yan yung huli Kong kita sa kanya yung lumabas sya nang office ko dahil may kukunin daw sya sa storage room-- Ay Alam ko na pwede bang tignan yung footage malapit sa storage room" Kuya Stephen

Ginawa naman nila yun. Haaayy ilang oras na kami dito sana may makita kaming sagot kung asaan si Sam

"Sir finast forward ko na po yung footage from 3 pm - 7pm ngayong gabi hindi pa din po lumalabas si Ms. Kang" Guard 1

"Sir kape po para sa inyo" Guard 3

"Thank you" sabi ko

"Nakakapagtaka bakit di lumabas si Sam dun" Kuya Stephen

"Lakay ano na balita?" Sabi ni Guard 2 Kay Guard 1

"Nakita namin dito sa footage si Ms. Kang sa storage room pe--"

"Storage room?! Nakalapat yung pintuan? Eh Sir sira po yung lock niyan eh baka po nastuck si Mam dun." Guard 2

"Halika na for sure kanina pa andun yung kapatid ko" Kuya Simon at lumabas na sya sumunod na din Kami

"Kayo kumuha kayo nang mga gamit na pwedeng ipagbukas sa pintuan na yun" utos naman ni Kuya Stephen

Pagpanik namin sa taas ay pinagtatadyak ni Kuya Simon yung pintuan.

"Letche!! sino ba kasi yung naka assign para sa storage room?!" Kuya Simon

Ngayon ko lang nakita si Kuya Simon na ganyan.

"Yung admin ang naka assign dyan. Wag mo ituon ang galit mo sa kanila dahil hindi nila trabaho yun. PAsensya na po paki baklas na po yung pintuan" Kuya Stephen

Ginawa naman nila ito at ilang sandali lang ay nabuksan nila ito. Agad naman kaming pumasok.

"Bab--"

"Sa--"

"Sama--"

Pare-parehas kaming natigilan nila Kuya sa nakita namin. May kasama syang ibang lalaki at magkatabi pa silang natutulog ngayon

"Samantha?! Samantha?! Samantha?! Samantha?! " Kuya Simon

Natigilan naman ako sa itsura nung lalaki. Yung pagmumukha nya di ko malilimutan yun.

"Kuya?" Sam at napatingin naman siya sa akin. Pero pinili kong lumabas Muna

"Babe?!" Sam

Paulit-ulit nya akong tinawag Pero di ko sya pinansin hanggang sa naabutan niya ako at niyakap.

"Sorry Jack dahil sa akin di natuloy yung date natin. Alam kong pinaghandaan mo yung gabing ito pero di man lang ako pumunta. Sorry talaga Jack. Alam Kong nagtatampo ka ngayon sa akin. Sabihin mo lang sa akin kung anong kailangan mong gawin ko para pansinin mo ko" Sam

Humarap naman ako sa kanya at tinignan siya

"Lahat?" Umoo nalang sya

"Magpalit ka nang secretary yun lang"

"Ha?! Ano ba sinasabi mo Jack? Wala naman kinalaman si Franz dito" Sam

"Basta wag na siya. Maghanap ka na nang ibang secretary o kaya ako nalang ang maghahanap para sayo" sabi ko sa kanya


"Unfair naman yang hinihiling mo. Jack kapag tinanggal ko si Franz kawawa naman yung tao. Nagresign sya sa isa nyang trabaho dahil mas gusto niyang magtrabaho dito. Si Kuya Simon ang tumanggap sa kanya dito" Sam


"Hahanapan ko sya nang ibang trabaho wag lang dito"

"Jack di na kita maintindihan eh. Bakit ganyan ka ka-paranoid tungkol Kay Franz?" Sam

"Di na mahalaga yun Sam"


"Pero Jack mahalaga sa akin yun Jack. Kaya sabihin mo na dahil naguguluhan na talaga ako sa inaarte no ngayon" Sam


"Okay Sam Okay, Si Franz yung dahilan."

"Dahilan nang ano?" Sam

"Sya yung dahilan bakit ako naging bading at bakit kami nagkahiwalay ni Kaye nung high school pa kami"

"So about sa ex mo to. Kasi mahal mo pa sya?! Kaya pinaiiwas mo ko kay Franz?! Ganun ba yun?!" Sam

"Di ganun yun Sam. Ikaw na ang mahal ko Sam. Ikaw lang"

"Bakit hanggang ngayon di ka pa rin makamove on sa ginawa ni Franz sayo? Bakit ka nagkakaganyan?" Sam


"Kasi natatakot ako."

"Saan?!" Sam

"Natatakot ako na Baka ikaw maagaw niya rin sa akin. Natakot ako na mapalapit at mahulog ang loob mo sa kanya. Ngayon pa na ilang oras kayong magkasama sa storage room. Magkatabing natutulog. Natatakot ako na isang araw mawala ka na sa akin"

Ngumiti naman siya sa akin si Sam at hinawakan yung mukha ko.

"Wag kang mag alala ikaw lang ang mahal ko. At ikaw na ang huling lalaking mamahalin ko sa buong buhay ko. " Sam at niyakap niya ako

"So di na sya yung secretary mo?"

"Di ako pwedeng magpasya nyan. Kakausapin mo muna si Kuya Simon about that. Tama na ang drama ah? Nagugutom na ko eh" Sam

Kaya naman umuwe na kami. Nagugutom na din kasi ako eh.

-
A/N: Matatapos na ang 2014 sana makatagpo tayo nang mga ganitong love life :)

Ang Beki at Ang TiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon