[14] Mango Tree
Lola Beatriz POV's(Special POV)
Kanina ko pa hinahanap si Jack simula nang ipahatid ko sa kanya yung pagkain ni Samantha hindi ko na siya nakita.
"Estella Asan yung apo mo hapon na hindi ko pa rin siya mahanap"
"Aba ewan ko kanina ko pa nga rin siya hinahanap eh."Estella
"Ipapahatid ko pa naman sana yung meryenda ni Samantha sa kwarto niya."sabi ko sa kanya
"Tayo nalang maghatid niyan kay Samantha kakamustahin ko na rin siya"Estella
"Ah Sige halika na"
Umakyat na kami at pumunta sa kwarto ni Samantha.
Kumatok muna kami para respeto lang sa apo ko. Binuksan na namin yung pinto
"Samantha!"Estella
"Sssshhh"saway ko sa kanya
Pumunta na kami sa kama ni Samanta. At laking gulat namin ang nasasaksihan namin ngayon
"Beatriz totoo ba talaga tong nakikita ko. Paki sampal nga ako baka nanaginip lang ako"Estella
Pak. Sinampal ko naman siya gaya nang sabi niya
"Beatriz totoo nga ito.Oh my god:')"maluhaluha niyang sabi niya
"Estella Natutuwa ako sa nakikita ko:)"
"Oo nga halika ka na at baka maistorbo pa natin sila. Sabihin na rin natin ito kila Estevan at Eduardo"Estella
"Pero wait lang picturan muna natin sila ha?"
"Good Idea Beatriz hihihi"Estella
Kaya kanya kanya kaming labas nang Iphone 5s. Hahahaha Mamaya nga makapag update nang status sa Ig at FB :))
"Siguro naman sapat na tong ebidensya hahaha:) Halika ka na for sure matutuwa ang mga asawa natin:))"Estella
Umagree naman ako sa kanya.At Bumaba na kami. At hinanap ang mga asawa namin. :">
Siguro naweweirduhan kayo sa amin ni Estella bakit kami natutuwa dun sa kwarto ni Samantha kasi naman hindi ka matutuwa dahil diba bakla nga si Jack tas tomboy si Samantha tas nakita namin na nakatulog na sa gilid ni Samantha si Jack kakabantay sa kanya. Diba ang sweet:"> Kinikilig tuloy ako hihihi. Kaya pala hindi mahanap si Jack eh hahahaaha^.^ okay na yun inaalagaan naman niya si Samantha eh.
Kinabukasan
Sam's POV
Grabe napahaba yung tulog ko :)) Buti nalang at hindi na masyadong masama ang pakiramdam ko gaya kahapon. Gusto ko nang kumain :))
Bumangon na ako sa kama. Nang makita kong may isang lalaking natutulog habang naka upo sa gilid nang kama. Tinignan ko kung sino yung lalaki.
"Jack?!" O.O anong ginagawa niya dito sa kwarto ko???
"Hoy Jack,gumising ka. Jack!!.Hoy Jack Gising!!"
"Ano ba?! Lumabas ka nga sa kwarto ko tss"Sabi ni Jack
"Hoy Jack kwarto ko to hindi sayo"
Napatingala siya sa akin. At gulat na gulat sa sinabi ko
"Bakit ako nandito?"Jack
Pak Binatukan ko nga
"Ako dapat ang magtanong sayo niyan Bakit ka nandito sa KWARTO KO?!" talagang inemphasize ko yung salitang 'KWARTO KO'
"Ikaw ang high blood high blood mo na naman ngayon porket wala ka nang sakit tsss. Mas gusto ko pa yung may sakit na Sammy eh. Ang bait bait hindi yung nasa harapan ko na bruha. Di man lang magpasalamat sa pag aalaga sa kanya tsss. Jan ka nga!"Jack.
Tumayo na siya at umalis na siya sa kwarto ko. Ano ba ito ang aga aga may kaaway agad ako. Oo nga pala siya yung nag alaga sa akin nung may sakit ako. Tama siya hindi man lang ako nag pasalamat.
Kailangan kong bumawi kay Jack masyadong madami na ang nagagawa niya para sa akin. Ako ni isa wala man lang haaayyss. Naghilamos at nagtoothbrush na ako tsaka bumaba.
"Hija Kamusta ang pakiramdam mo?"Si Lola Tella pala
"Mabuti na po:). Nakita niyo po ba si Jack? May sasabihin kasi po ako sa kanya eh."tanong ko sa kanya
"Ay pinakakuha ko nang mangga dun sa likod nangangasim kasi ako.Puntahan mo nalang siya dun"Lola Tella
"Sige po Salamat:)"
Pumunta na ako sa likod at nakita ko nga si Jack na nakatingala dun sa tapat nang puno nang mangga
"Hindi babagsak dyan yung mangga kung titigan mo lang"bungad ko sa kanya
"Paki mo ba? Duon ka nga. Hayaan mo ako tsss"
"Walang nagagawa yang pagtunganga mo tss. Tabi nga"
"Anong gagawin mo?"Jack
Nakataas pa talaga yung isang kilay ha?
"Malamang aakyat nang puno para makakuha nang mangga"
"Bahala ka basta ako naniniwala na mahuhulog yang mga mangga na yan"Jack
Kaya sinimulan ko na yung pag akyat sa puno. Buti nalang nag girl scout ako dati kaya marunong ako umakyat sa mga puno. XD Pumitas ako nang mga mangga.Umakyat pa ako dun sa taas pero nakita ko yung sangga puro langgam na malalaki at kulay pula. Napabitaw ako dun sa sanga at
"Aaaaaaaaaaaaaaaahhhh"sigaw ko dahil nahulog ako sa puno
"Sabi ko kasi sayo tama ako eh tignan mo may nahulog na mga mangga pati tuloy ikaw na hulog na sa akin. Buti nalang alisto ako at nasalo kita:))"Jack
Anong sabi? Ang weird ha? Pero ang gwapo niya kapag ngumingiti
Wuuuyyy Sam Wag kang mapapadala sa baklang yun. Tandaan mo Sam tomboy ka hindi ka na BABAE
-
(A/N: Ansabi ni Jack? Hahaha Bumabanat hahaha. BumoVhong Navarro. Pero Cool nang mga lola dito no? Uma Ig hahahaha Comment Comment Din pag may time hahaha. Keep on Reading my Stories)
-&Shaims
BINABASA MO ANG
Ang Beki at Ang Tibo
Teen FictionKung anong trending ngayon. Ito ang istorya ngayon Inspire story of Marry me Beki ang ganda kasi Pero itong story ko may halong twist :)))