[34] Stuck-up
Sam's POV
Nang mag alas siete na ay bumalik na ako sa office ko. Medyo okay rin pala itong si Franz. Akala ko maiilang ako sa kanya pero hindi pala. Pinag patuloy ko na ung plano ko about sa footwear na ilaulaunch namin in a couple of months.
kring.kring.kring
Pinindut ko na yung telepono at ni loudspeaker
"Samantha Kang speaking..." sabi ko
"Ma'am pinapatawag po kayo nang COO. Pumunta po kayo sa office niya" secretary pala ni Kuya Stephen.
"Okay. Im on my way" inend ko na yung call
Pumunta agad ako sa office ni Kuya Stephen.
"Kuya pinatatawag mo daw ako" bungad ko sa kanya
"Naalala ko kasi bigla na malapit nang mag birthday si Mommy eh. Busy kasi si Kuya Simon eh kaya ikaw nalang ang pinatawag ko." Kuya Stephen
"Ay oo nga pala muntik ko nang makalimutan. Anong balak natin ngayon?" Sabi ko sa kanya.
"Gusto ko sanang isurprise sya yung mapifeel niya yung maging teenager ulit siya." Kuya Stephen
Pinag usapan na namin yung gustong plano ni Kuya Stephen para sa birthday ni Mommy. Detalyadong sinabi niya ang kanyang plano. Tinawagan din namin yung mga taong pwedeng makatulong sa amin. Habang pinaplano namin ang surpresa sinabayan nadin namin ang pagkain.
Lumipas ang mga oras ay pumunta narin si Kuya Simon at sumali na rin sa pagpaplano
"Sana matuwa si Mommy sa gagawin natin" Kuya Simon
"Syempre naman ako ata ang mastermind" Kuya Stephen.
"Tsss umarangkada na naman ang pagiging nayabang mo kuya." sabi ko sa kanya.
"Maiiwan ko na kayo may meeting pa ako with our new clients." pagpapaalam ni kuya Simon
"Sige kuya Ingat. Aalis na din ako kuya Stephen. May hahanapin pa akong mga files eh" paalam ko sa kanya
"Oh sige." Kuya Stephen at umalis na ako sa office niya.
Dumaretso agad ako sa storage room. Para hanapin yung mga kailangan kong mga papeles
Takte ngayon lang ako pumunta dito. Di ko tuloy alam kung saan ko kukunin. Habang nililibot ko yung storage room ay may bigla nalang nabagsak. Kaya kinagulat ko ito.
"Ma'am andito pala kayo"
"Ay butike" si Franz pala.
"Grabe naman kayo ma'am. Mukha po ba akong butike?" Franz
"Ikaw naman kasi lagi mo nalang akong ginugulat eh." sabi ko sa kanya.
"Di naman po.Actually kanina pa po ako dito ako nga po yung nagulat kasi may bigla nalang pong bumagsak eh ako lang naman ang nandito. Kayo po ba yung nakabagsak nang isang bagay?" Franz
"Hindi"
"Eh sino po yun? May multo po ba dito?" Franz
"Wag ka ngang manakot dyan!"
"Nagtatanong lang naman po eh"Franz
"Bakit ka ba andito?" pag iiba ko nang topic
"Di ba po may pinapahanap po kayong sales report." Franz
Ay oo nga pala bakit ko ba nakalimutan yun. Pinakuha ko nga pala sa kanya kanina. Bakit pa ako pumunta dito?. tsss
"Oh nahanap mo na ba?"

BINABASA MO ANG
Ang Beki at Ang Tibo
Teen FictionKung anong trending ngayon. Ito ang istorya ngayon Inspire story of Marry me Beki ang ganda kasi Pero itong story ko may halong twist :)))