Prologue

58 35 16
                                    

PROLOGUE

Prologue:
" Hindi naman sa lahat ng oras kami ang masama. Minsan kasi kayong mga babae ang mismong nagbibigay ng dahilan para gumawa kami ng hindi tama. " depensa niya.

Tsk. Akala mo naman napakatino niyang lalaki.

"Talaga? Sino ba ang laging nagpapa-iyak? kayo namang mga lalaki di ba? di kasi kayo marunong makuntento sa isa. " sagot ng katabi ko.

"Kung hindi kami kontento?  dapat sa una pa lang hindi namin nilalagay ang sarili namin sa isang commitment. Kung sa tutuusin nga lalaki naman talaga ang nag-eeffort sa isang relasyon ah" sagot ng isang lalaki.

Bakit kasi kailangan pa naming mag-debate? Sa dinami-rami pa ng pwedeng paksa tungkol pa talaga sa relasyon.

"Sumagot ka naman, hindi ka nagsasalita diyan." bulong ng isa ko pang katabi

" Miss Hilario. Wala ka pang naiaambag na puntos sa pangkat niyo." puna ng guro ko. Tumayo ako, nilagay ko muna ang ballpen sa likod ng tenga ko bago magsalita.

" Sa isang relasyon hindi mo masasabing lalaki lang ang nag-eeffort. Yun ang nasa isip niyo kasi kayo ang gumagastos sa tuwing magde-date kayo, kayo ang nagbibitbit ng gamit ng girlfriend niyo pero hindi ibig sabihin no'n kayo lang ang nagmamahal. "

"Tama! " pagsang-ayon ng mga kagrupo kong babae.

" Ikaw ang sumagot Agustin, labanan mo yung sinabi ni Hilario. " napatitig sa akin ang mga kaklase ko.

" Kung sa tingin mo hanggang doon lang ang effort na ginagawa naming mga lalaki pwes mali ka rin. Hindi kasi kayo lalaki kaya tingin niyo kami lagi ang mali. Sa relasyon kasi sino ba ang madalas sumuko? Mga babae naman di ba? Sino ang naghahabol? sino ang gagawa ng paraan para magkabalikan? Lalaki di ba? Sino ba talaga ang nag-eeffort? Lalaki lang."
Napatitig ako sa kanya. Ang tapang niyang magsalita ng ganyan. Akala mo naman nagawa niya yung mga pinagsasasabi niya.
Dahil sa inis ko tumayo ako.

" So? Pinagmamalaki mo na lalaki ang gumagawa ng paraan para magkabalikan sila ng babae. Tsk. Tandaan mo kahit mag survey ka pa sa buong Pilipinas lalaki rin mismo ang dahilan kung bakit nasisira ang isang relasyon. "

" Talaga? eh paano kung sabihin kong babae ang sumisira? bakit? kasi ang mga babae masyadong mapaghinala. Sa madaling salita, walang tiwala. " Mabilis na depensa niya. Ang kapal ng mukha.

" Walang tiwala? walang tiwala kasi nasira na yung tiwala na pinanghahawakan ng babae sa isang relasyon. Bakit? kasi niloko siya, pinaniwala siyang mahal siya nung lalaki tapos sa huli iniwan rin. Sinong magtitiwala sa ganyan?. " Sagot ko sa kanya.

" Mali rin naman ang mga babae ah. Bakit kasi di muna nila magawang tanungin ang lalaki hindi yung iiyak sila kaagad at palalabasin na manloloko ang lalaki."

" Iiyak kaagad? simple lang, kasi nasaktan na yung babae sa ginagawa ng lalaki. Nasasaktan na yung babae sa nakikita niyang kilos ng lalaki."
Pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin. Halata naman diba? kaming dalawa lang yung nagbabangayan.
Tumitig siya sakin. Galit na siya niyan? tsk. Walang kwenta pala tong lalaking to eh.

" Minsan  kasi tandaan niyo rin, hindi sapat ang nakikita para magbitaw ng salita na manloloko kaming mga lalaki. Madalas niyo namang idahilan na kaya manloloko ang lalaki dahil may ibang babae. Bakit hindi niyo muna siguraduhin kung ano yung totoo. Ang hirap sa inyo ang bilis niyong mapaniwala sa kung anong nakikita niyo. "

" Hindi kami mabilis maniwala. Sadya lang talagang may proweba kaya nasasabi naming manloloko ang mga lalaki. " ilang segundo muna bago siya nakasagot.

" Proweba? Ang bilis niyo nga kasing mauto. Kayo  'yung hindi makontento sa pagmamahal na binibigay ng lalaki. Kaya sinasabi niyong niloloko kayo. Iiyak kayo magdamag. Di kayo kakain? kayo 'yung magmumukhang kawawa tapos ano? kami na naman 'yung masama pero ang totoo kayo tong nagbibigay dahilan para iwanan kayo. Mas pinapakita niyong dapat kayong iwan kasi hindi kayo deserving sa pag-ibig namin. "

Nabwiset ako sa sinabi niya. Debate to di ba? bakit galit na galit na siya niyan. Ayoko na! Sawa na kong makinig sa kanya.

" Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin. Tutal grades lang naman to. Ibibigay ko na lang sayo yung puntos na makukuha ko."

Pagkatapos kong magsalita lumabas ako ng room, hindi ko na nga nakuha yung bag ko. Pabibo talaga 'yung Agustin na yun. Gusto niya siya lagi bida. Tsk. Ewan.
Tutal uwian na rin naman uuwi na ako. Ang dami ko pang gagawin sa bahay. Habang naglalakad naalala ko 'yung mga sinabi ni Agustin. Tsk ang kapal talaga.

" Buti naabutan kita. Angkas." Napatingin ako sa nagsalita, si Darwin.

" Baka flat na naman yan?"
Di siya sumagot. Ngumisi lang. Umangkas na lang ako sa bisekleta niya. Magdidilim na rin kasi. Umupo ako sa harapan  dahilan para maamoy niya ang buhok ko.

" Ang asim. Galit ka no? " di ko siya pinansin. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay bumaba agad ako. Papasok na sana ako ng gate ng magsalita siya.

" Rein " lumingon ako sa kanya. May inihagis siya at nasalo ko naman kaagad.

" Salamat nga pala. Kami yung nanalo. Nadagdagan rin yung puntos ko. "

"Masaya kana? " mataray kong tanong sa kanya.

" Oo naman. Grades yun eh." Ang yabang talaga.

" Umuwi kana Agustin bago kita masapak." Pumasok na ako sa gate. Isasara ko na nang magsalita siya ulit.

" Salamat ah tsaka tatawag ako sayo mamaya. Uwi na ako....... I love you girlfriend ko. "

Cold TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon