Kabanata 13
2:00 am pa lang pero gising na ako. May narinig ako yabag ng mga paa sa likod ng bahay. Hindi ko alam kung totoo ang mga narinig o bahagi lamang ng panaginip ko.
Bahagya kong binuksan ang bintana. Madilim pa kaya hindi ko masyadong maaninag.
Wala namang tao.
Bumalik ako sa pagkakahiga nang marinig ko naman ang boses ng isang lalaki. Pakiramdam ko ay malapit lang siya sa akin.
Minabuti kong lumabas ng bahay. Dala ko ang flashlight. Hindi ako takot dahil sanay na ako sa bahay na ito.
Pagdating sa likod. Nailawan ang isang lalaking naka-upo sa upuan.
May dala siyang balloon."Sino ka?" hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng balloon na hawak niya. Halata lang talaga sa pananamit na lalaki ito.
Binitawan niya ang balloon dahilan para lumipad ito dala ng malamig na hangin.
"Agustin?"
Anong ginagawa niya rito?
Sa ganitong alanganing oras pa.
BINABASA MO ANG
Cold TRUE LOVE
Mystery / ThrillerHe really loves me and I'm fine with that. He sacrificed a lot and I did nothing. One day I realized its my turn to prove to him that my love is true, its indespensable but sad to say he already gave up. I think its my fault. I let his love to be...