Kabanata 3

26 38 10
                                    

Kabanata 3

Late na akong nagising kaya nagmadali akong bumangon. Nakita kong 6:30 am na, late na kami ng mga kapatid ko.

" Jasper? Joseph?! " sigaw ko, pinuntahan ko sila sa kwarto nila pero wala sila.

" Nakikinig na sila sa teacher nila. " nakangiti niyang wika.
Preskong presko siyang naka-upo sa upuan.

" Ha? " nagtataka kong tanong kay Agustin.

" Ang himbing kasi ng tulog mo kaya ako na ang nag-asikaso sa kambal, hinatid ko na din sa school " napabuntong hininga ako, naabala na naman siya dahil sa kapabayaan ko.

" Bakit di ka pumasok? wag mong sabihing aantayin mo pa ako? Hindi na ako papasok." Late na rin naman ako. Kaya mas mabuti pang absent na lang ako ngayong araw.

" Wala naman po kasi tayong pasok ngayon. May meeting yung mga Senior High teachers di ba? "
Oo nga pala. Nakalimutan ko.

" Ah" iniwan ko siya. Pumunta ako sa kusina para maghilamos at mag-mumog.

" Gala tayo. Libre ko."

" Malamang, ikaw ang lalaki kaya ikaw ang gagastos, kayo ang nag-eeffort di ba? " asar ko sa kanya.

Papunta kami ngayon sa Divisoria. Paglabas pa lang ng Recto Station mahigpit na ang hawak niya sa kamay ko hanggang sa makasakay kami ng jeep di niya ako binibitawan.

" Bitawan mo nga ako Agustin, ang sakit na ha " saway ko sa kanya.
Habang nasa byahe hindi siya mapakali.

" Ano na naman ba? mukha kang baliw diyan. " naiinis na ako sa kinikilos niya.

" Yung wallet ko kasi naiwan ko." Nanlaki ang mga mata ko. Kaya pala ako ang pinagbayad niya sa train kanina. Ang dahilan niya wala siyang barya, ang totoo pala wala siyang dalang pera.

" Tarantado." wika ko at biglang pumara. Bahala siya! uuwi na ako.

" Rein, saan ka pupunta? " nagtataka niyang tanong sakin nang umalis ako sa kinauupuan ko.

Hindi agad ako naka-baba ng jeep dahil sa nagmamadaling dalaga. Ano to? takot maubusan ng upuan?

" Louie?! " nakababa na ako ng jeep pero nakahawak pa ako sa hawakan dahilan para hindi agad umandar ang jeep. Napatingin ako sa dalaga nang banggitin niya ang pangalan ni Agustin.

" Denzel?! " nakangiting wika ni Agustin?

" Iha. Sasakay ka ba uli? " napunta ang atensyon ko sa driver ng jeep. Napansin niya yatang nakahawak pa rin ako sa hawakan.

" Uy Denzel! kamusta na? Hindi kaagad kita nakilala ah?! ".
Ang kapal talaga ng mukha ng Agustin na ito. Hindi niya ba napapansing nandito pa rin ako? Nagkamustahan pa sila.

Sumakay ulit ako sa jeep pero this time sa dulo ako umupo. Tinitignan ko pa rin silang dalawa.

" Ang gwapo mo na ngayon Louie, kamusta ang pag-aaral mo? siguro may inspirasyon ka ano?." magiliw na tanong ni Denzel kay Agustin.

" Hahaha. Hindi naman. Inspirasyon? Meron, yung mga yellow signs ko Hahaha."

Ang kapal talaga hindi niya ba alam na nandito pa ako.

" Asus. Pasimple kapa. Eh sino yung tinatawag mong babae kanina noong pasakay ako? " Nagulat si Agustin nang tanungin siya.

" Hala! Oo nga! Si Rein! Kuya saan bumaba yung babaeng kasama ko?" kinakabahang tanong niya sa driver.

" Iho andun lang siya sa dulo" tinignan ako ni Agustin. Huminto ang jeep, nandito na kami malapit sa Over pass. Nagbayad ako ng pamasahe ko, yung kay Agustin? ewan ko sa kanya.

Bumaba ako. Sinundan naman ako ng tukmol na iyon.

" Mahal."

" Huwag mo akong matawag tawag na mahal, umiinit ulo ko sa'yo." nakakapanggalaiti kasi siya.

" Sorry na, di ko naman sinasad--"
naputol ang pagsasalita niya nang magsalita ang babae sa likod niya. Andito pa pala siya?

" Ikaw pala yung Rein na tinatawag niya kanina noong pasakay ako. By the way I'm Denzel Kia.....Louie's ex girlfriend."

Cold TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon