Kabanata 8
Nagising ako. Malamig ang simoy ng hangin. Pinatay ko ang electric fan.
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.Pumunta kaagad ako sa kwarto ng kambal. Mahimbing ang tulog nila. Tinignan ko ang orasan, 3:25 pa lang. Masyado pang maaga.
Bumalik ako sa kwarto upang ipagpatuloy ang naudlot kong tulog. Nakahiga na ako. Kakapikit ko pa lang nang may biglang kumalabog mula sa sala.
Kaagad akong bumangon at pumunta sa sala. Natagpuan kong naka-bukas ang pinto.
"May tao ba diyan?" tanong ko. Walang sumagot.
Paano nangyari iyon? Kani-kanina lang ay nasa kwarto ako ng kambal ngunit wala naman akong narinig na mga yabag ng paa.
Lumapit ako sa pinto. Paano nabuksan ito? Kung ang magbubukas ng pinto ay mula sa labas ng bahay malabong mabuksan niya ito dahil nandito sa loob ang lock pwera na lang kung may susi ang magbubukas.
Pero wala naman akong binigyan ng duplicate ng susi pwera na lang kay Agustin.
Pero malabong magawa ni Agustin iyon. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap. Alam kong hindi niya magagawa iyon.
Nagulat ako nang lumabas ako. May nakita akong plastic cup sa harap mismo ng pinto.
Saan galing ito? Wala naman ito kagabi. Pumunta ako sa gilid ng bahay. Walang tao. Tinignan ko ang gate, sarado. Kung bubuksan man ang gate siguradong malalaman namin dahil sa tunog.
Bumalik ako sa tapat ng pinto. Pinulot ko ang plastic cup.
"Malinis pa." Bulong ko sa sarili ko. Malinis ang plastic cup na ito. Halatang hindi pa nagamit.
Bumalik ako sa loob ng bahay. in-on ko ang ilaw. Wala namang basag na gamit. Nandito pa ang TV, electric fan, at wall clock. Wala namang nawala.
Ang dami kong tanong.
Pero saan galing ang kalabog na iyon?
Sino ang nanloob sa amin?
Ano ang motibo niya?
Bakit hindi kami sinaktan?
BINABASA MO ANG
Cold TRUE LOVE
Mystery / ThrillerHe really loves me and I'm fine with that. He sacrificed a lot and I did nothing. One day I realized its my turn to prove to him that my love is true, its indespensable but sad to say he already gave up. I think its my fault. I let his love to be...