Kabanata 10

12 24 13
                                    

Kabanata 10

Nakapagtataka talaga. Sino kaya ang gumagawa ng mga bagay na ito?
Wala naman akong alam na ginawan ko ng mali. Pero bakit nangyayari ang mga wirdong bagay na ito?

10:00 pm na pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin kung sino ang naglagay ng plastic cup sa tapat ng pinto at saan galing ang kapirasong papel na hawak ko ngayon.

"Hindi ba talaga galing sa inyo 'to?" tanong ko kay Jasper na kasalukuyang nag-aayos ng gamit niya.

"Hindi nga ate. Ka-kanina ka pa tanong ng tanong."

"Saan ba galing iyan?" tanong ni Joseph.

"Natapakan ko kaninang pag-uwi ko."

"Itapon mo na kaya iyan a-ate. Wala namang sulat eh." utos niya sa akin

Oo nga naman. Baka sa mga gamit ko ito galing at hindi ko lang napansin na nahulog. Wala nga naman talagang sulat.

Tumayo ako at itatapon na sana ang papel nang sumigaw si Jasper.

"Huwag ate!" napakunot ang noo ko. Bakit naman?

"Baka kasi may hidden letter diyan."
pahayag niya.

"Ano? Hidden letter? Eh wala ngang nakasulat.

"'Yung kaklase ko meron siyang ba-ballpen. 'Yung magic pen."

"Ano naman 'yun?"

"Ate, kapag ginamit mo 'yun sa pagsulat hindi mo makikita yung sinulat mo. Pwera na lang ku-kung paiilawin mo 'yung flashlight na kasama 'non."

"Opo Ate!" pagsang-ayon ni Joseph.

"Ewan ko sa inyo. Pumasok na kayo sa kwarto niyo at matulog masyado ng gabi." utos ko sa kanila.

Basura lang naman itong hawak ko kaya mabuti pang itapon na lang.

"Ate meron po akong magic pen. Subukan natin?" pagpupumilit ni Jasper.

"Wala akong pakialam."

Pumasok na sila sa kwarto at nagsi-higa. Pinatay ko ang ilaw sa sala. Pagdaan ko sa kusina tinapon ko 'yung papel.

Pagpasok ko sa kwarto napatingin ako sa mga gamit ko. Wala naman akong construction paper na light green ang kulay.

Umupo ako sa kama. Ang weird talaga. Nahagip ng mata ko 'yung plastic cup. Hindi ko pa tinapon ito. Dahil iniisip ko 'yung "1" na nakasulat sa ibabang bahagi nito.

Pahiga na sana ako nang marinig ko na may nag-uusap sa kusina.

"Bakit gising pa sila?" bumangon ako at lumabas ng kwarto. Narinig ko ang pag-uusap ng kambal.

"Buksan mo na yung flashlight." boses ni Joseph iyon.

"Ito na nga." sinilip ko silang dalawa ni Jasper. Bakit malapit sila sa basurahan?

"Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila. Halata sa mga mukha nila ang gulat. May hawak silang parang flashlight pero maliit lang ang liwanag nito. Lumapit ako sa kanila at laking gulat ko nang makita ang nakasulat sa papel na nasa sahig malapit sa basurahan.

"October 8, 2016
Kalye Trese."

Anong ibig sabihin ng nakasulat na ito?

Cold TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon