Kabanata 5

22 37 10
                                    

Kabanata 5

Nakadungaw ako ngayon sa bintana. Palubog na ang araw. Palubog na rin ako sa kaiisip kung paano ko iiwasan si Agustin.

Dahil sa mga sinabi niya kanina hindi ko alam kung magagalit ako sa kanya o matutuwa dahil siya na mismo ang gumawa ng paraan para hiwalayan ko siya.

Dalawang taon na kaming magkarelasyon. Inaamin ko napaka-swerte ko at naging parte siya ng buhay ko. Wala na nga siguro akong mahihiling pa. Kasama ko siyang nag-aruga sa mga kapatid ko. Karamay ko siya sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Kung may tao mang hinding hindi ako iniwan si Agustin iyon.

Pagtingin ko sa orasan 6:30 pm na. Tumayo ako at nagsimula nang magsaing. Maya-maya ay darating na ang mga kapatid ko. 3:45 pm ng hapon nang makauwi ako kasabay nito ang text mula sa teacher ng kambal, dadalhin daw sila sa birthday party ng kaklase nila, pumayag naman ako dahil may tiwala ako sa teacher nila.

Nagpalit muna ako ng damit at bumalik sa sala. Maya-maya ay may kumatok sa gate lumabas ako at binuksan ito, nang makita ko ang nasa labas muli ko itong isinara.

Para saan pa at pumunta siya dito sa bahay? Hindi ba sila nagkabalikan ng Denzel niya? Minabuti ko na lamang manood ng TV. Pasalamat ako at hindi siya kumatok, umuwi na siguro.
Ilang oras ang lumipas. Nakauwi na ang kambal. Bumili ako ng lutong ulam sa labas dahil nagugutom daw sila, ang ipinagtataka ko naman ay galing sila sa handaan bakit pa sila gutom? Haha.

Usual routine, pagkatapos naming kumain hinugasan ko ang mga hugasan, tinulungan kong magpunas ng katawan ang kambal, inayos ang tulugan nila, inayos ang mga gamit at nanood ng TV.

Habang nanonood ako lumapit si Joseph sa akin.
"Ate, drawing mo ako ng b---bird."

" Ayoko, masakit ang kamay ko."

" Sige na Ate, kai-ilangan ko ito sa school bu--bukas."

"  Ikaw na lang ang mag-drawing Joseph, malaki ka na di ba?." Ang kulit naman kasi kita na niyang nanonood ako.

"Ate." pamimilit niya.

" Si Jasper nga naka-drawing bakit ikaw hindi?."

Ang totoo niyan hindi rin ako marunong mag-drawing, hindi ako magaling sa ganyang bagay.

"Kasi parehas k--kayo! D-di marunong! He.he.he." Aba! Ang lakas naman yatang mang-asar nitong isang ito.

"Ah basta! Hindi ako marunong. Kung gusto mo Joseph magpa-drawing ka sa kambal mo. " Naiirita na ako. Hayss.

Biglang may kumatok sa gate. Tumakbo si Joseph at binuksan ito. Pipigilan ko pa sana kaso nakapasok na siya.

"Kuya, pwede mo ba a--akong i-drawing ng ibon? Ayaw kasi akong tu-tulungan ni Ate." nagsumbong pa talaga si Joseph sa kanya.

"Sige ba. " Inalalayan naman niyang umupo ang kambal at ginawa na niya ang mga assignment nila.

Magaling si Agustin pagdating sa pagguhit. Dati na niya akong binigyan ng regalo. Nang buksan ko ito larawan ko ito na kanya mismong iginuhit. Nakalagay ito sa isang picture frame.

"Tapos na. Itago niyo na ang mga assignments niyo. Matulog na rin kayo dahil gabi na." hinatid niya ang kambal sa kwarto nila. Nang tignan ko ang orasan 8:48 na. Matutulog na rin ako.

"Rein." tawag niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa labas at pinagbuksan siya ng gate.

"Rein, please."

"Umuwi ka na. Matutulog na ako."

"Rein. Bigyan mo ako kahit ilang minuto lang. Magpapaliwanag ako."
Oh sige! para matapos na ito.
Sinarado ko ang gate at umupo sa upuan. Nanatili naman siyang nakatayo.

"Una, sorry kasi naiwan ko ang wallet ko ikaw patuloy ang nagbayad ng pamasahe, pangalawa sorry kasi di ko nasabi sayo ang tungkol kay Denzel, pangatlo sorry kasi hinayaan kitang umuwi mag-isa." pagpapaliwanag niya.

"Tapos ka na?." Tanong ko sa kanya.

"Rein, kausapin mo naman ako. Bakit ka ba nagagalit? Yung tungkol kay Denzel? Wala iyon, matagal na kaming wala. Dalawang buwan lang naman---."
pinutol ko ang pagsasalita niya. Pinakita ko sa kanya ang timer sa cellphone ko.

"Tapos na ang 2 minutes na pagpapaliwanag. Umuwi ka na."
Muli kong binuksan ang gate. Lumapit siya sa akin.

"Hanggang kailan tayo magiging ganito? Rein nasasaktan ako sa ginagawa mo. Ano pa bang gusto mong marinig para lang maintindihan mo ang side ko?  Para lang kausapin mo ako ng maayos hindi yung ganyang para akong nakikipag-usap sa hangin. Rein may hindi pa ba ako nasasabi.?"

"May isang bagay lang akong hindi narinig mula sayo pero ayaw ko na rin naman talagang marinig ang dahilan mo tungkol dito. Kaya mabuti pang umalis ka na. Pakitandaan na lang Agustin na sa paghakbang mo palabas sa gate na iyan kasabay niyan ang pagtapos ko sa lahat ng namamagitan sa atin."

Pumikit ako.

Isa...dalawa...tatlo

Iminulat ko ang mga mata ko. Sa loob ng tatlong segundo naglaho na lang na parang bula ang lahat nang meron kami.

Wala na.

Wala na siya.

Cold TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon