Kabanata 6
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang lumipat ako dito sa bago kong pinapasukang school. Hindi pa naman kumpirmado kung matatanggal ang scholarships sa dati kong pinapasukan pero mas minabuti ko na lang na lumipat.
First step ko na rin ito para lumayo kay Agustin. Nandito ako ngayon sa canteen ng school. 'Di mapagkakailang mas maganda ang accomodation ng dati kong school na pagmamay-ari na ngayon ng ama ko pero mas maayos na dito, walang manggugulo sa akin.
Matapos kong kumain bumalik ako sa room, wala pa akong masyadong kilala dito. Tanging katabi ko lamang na si Fiorella ang nakakausap ko.
"Kamusta na ang 2nd day mo dito Tazia?" tanong niya sa akin.
"Okay lang." simple kong sagot.
Hindi ako sanay na Tazia ang tawag niya sa akin. Pero wala akong magagawa iyon ang gusto niya.
"Gusto mo gala tayo mamaya after lunch? Wala naman tayong pasok mamayang hapon."
Tumango na lang ako sa kanya. Halata namang walang pasok mamaya dahil may inaasikaso ang mga teachers dahil sa schedule, masyado pa raw kasing magulo baka next week pa nga maging normal ang klase.
Kasama kong nag-ikot si Fiorella. Una niya akong dinala sa music room, ang galing mamahalin ang mga musical intruments nila. Meron silang drum set, electric guitar, bass guitar, dalawa rin ang keyboard dito.
Sunod naming pinuntahan ang Xylodrum Corp. na room, may mga naka-hanger na damit ng majorettes. Madami rin ang nakalagay na mga baton sa box. Pagpasok pa lang sa room nila makikita na agad ang malaking tarpaulin na may larawan ng lahat ng members.
Nag-iba ang ihip ng hangin nang pumasok kami sa Art room, ang daming paintings, may mga portrait din ng mga former principals.
Naalala ko na naman ang portrait na ginawa ni Agustin para sa akin. Ano kaya ang puwedeng gawin do'n?"Gusto ko nang umuwi." pahayag ko kay Fiorella.
"Sige, bukas na lang uli."
Kinuha namin ang mga bag namin at sinarado ang pinto ng classroom. Pababa kami ng hagdan nang magsalita si Fiorella.
"Tazia puntahan ko muna 'yung pinsan ko sa 3rd floor. Kita na lang tayo sa Exit." tumango na lang ako sa kanya. Nang makarating ako sa gate ng exit tumayo ako banda sa gilid.
"Ang init." bulong ko sa sarili ko.
Ang daming estudyante. Buti na lang at umaga ang schedule namin. Makakatulog ako sa hapon.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin si Fiorella.May narinig akong nagtatawanan sa hagdan. Hindi ko naman nakita ang mukha ng mga estudyanteng iyon. Ang lakas ng tawa nila, masyadong masaya.
"Iniwan nga siya ng kasama niya noong time na iyon eh. Hahaha."
Wika ng isang babae, inangat ko ang ulo ko at tinignan kung sino ang babaeng nagsalita, at kung hindi ako nagkakamali.
"Denzel"
BINABASA MO ANG
Cold TRUE LOVE
Mystery / ThrillerHe really loves me and I'm fine with that. He sacrificed a lot and I did nothing. One day I realized its my turn to prove to him that my love is true, its indespensable but sad to say he already gave up. I think its my fault. I let his love to be...