Kabanata 1

29 32 9
                                    

Kabanata 1

4:00 am pa lang gising na ako. Hindi muna ako nagsaing. Lumabas ako ng bahay at umupo sa upuan.

"Sabi niya tatawagan niya ako kagabi. Wala naman. Lalaki daw nag-eeffort. Tsk. " Bulong ko sa sarili ko. Ang lamig siguradong mahihirapan na naman akong gisingin ang mga kapatid ko mahimbing na naman ang tulog nila.

"Psst." napalingon ako kung saan galing ang tunog

" Tarantado ka talaga Agustin " alam ko naman kasing siya iyon.

" Galing talaga. Alam na alam mong boyfriend mo no? " nakita ko ang mukha niya dahil sa liwanag na nanggagaling sa poste ng ilaw.

" Ikaw lang naman kasi ang gumagawa niyan." inakyat niya ang bakod at umupo sa tabi ko.

" 4:00 pa lang ah. Bat gising ka na? "
" Ikaw nga 4:00 am pa lang gumagala na eh. " Pagtataray ko sa kanya

" Atleast sa'yo naman kaagad ako pumunta." ngumisi pa siya at inakbayan ako.

" Buti hindi nagising yung tao sa kabilang bahay."

Yung kapitbahay kasi namin walang gate kaya doon dumadaan si Agustin para mag over the bakod makapasok lang dito sa bahay. Dagdagan pa na sa gilid ng bakod namin na katayo ang poste ng street light kaya kitang kita niya kung may tao o wala.

" Humihilik pa nga eh. Hahaha " Nagbiro pa siya sa lagay na yan. What if mapagkamalan siyang magnanakaw? Hedi nakulong pa siya. Hayss.

Hindi ko na siya kinausap. Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay niya sa balikat ko. Ay mali. Nakayakap na pala siya sa akin.

" Ang lamig no? kasing lamig ng pakikitungo mo sakin. " Madrama niyang sabi. Niyakap ko siya. Na miss ko yung ganito.

" I love you Agustin " bulong ko sa kanya.

" Bakit mo sinabi yan? kikiligin ako niyan mamaya. " sinundan niya ito ng mahinang tawa.

" Alam ko namang mahal mo ko. Sana alam mo ring ganun rin ako sayo. " dagdag pa niya.
Natahimik ako sa sinabi niya. Tumingala ako sa langit. Ang ganda ng mga bituin.

" Saing na tayo?" hindi ko siya pinansin at mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.

" Mamaya na. Minsan lang ako maglambing sa'yo Agustin. Tandaan mo iyan." Hindi niya ako pinansin. Tumingala siya. Alam ko iyon dahil sa sinabi niya.

" Tingnan mo yung mga bituin. Ang layo masyado ng distansya nila sa isa't isa. Pero never silang naghiwa hiwalay....... sana tayo rin.
Kahit malayo minsan ang loob mo sakin. Huwag sanang umabot sa puntong hihiwalay ka." Tumitig siya sa akin. Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi.

" Saing na tayo Dar. " Tumayo na kami at dumiretso sa kusina. Nang maisalang na namin ang sinaing tinulungan niya akong maghugas ng mga natira naming hugasan kagabi. Tumingin siya sa orasan nakita niyang 5:00 am na kaya tumungo siya sa kwarto ng mga kapatid kong lalaki. Una niyang ginising si Joseph.

" Good morning Joseph." Bati niya sa bata. Sinundan niya ito papunta sa CR habang nakasukbit ang tuwalya sa balikat niya.

" Mahal. Paabot ng takure " Binigay ko naman sa kanya ang takure. Ibinuhos niya sa balde ang mainit na tubig. Ayaw kasi ni Joseph maligo sa madaling araw dahil daw malamig kaya nag-iinit kami ng tubig para pangligo nilang dalawa ni Jasper.
Narinig kong may binubuhos ng tubig. Pinaliliguan na niya si Joseph kaya ginising ko na si Jasper.

" Jasper. Gising na. " agad naman itong dumilat at nagsalita.

" Naliligo na si Joseph nanay? "

" Jasper Ate mo ako. Wala si nanay dito. " Paliwanag ko sa kanya

" Sorry po ate. Akala ko kasi ikaw si nanay. Maliligo na ba ako?"

" Oo" tumakbo siya papuntang CR. Inantay niyang matapos si Joseph at siya  naman ang sunod na pinaliguan ni Darwin.

Habang inaasikaso niya ang mga bata. Nagluto na ako ng ulam. Buti na lang nandito si Darwin para tulungan akong mag-alaga sa mga kapatid ko. 6 years old pa lang sila. Masyado pang bata kaya hindi pa nila ako matutulungan sa gawaing bahay.
Nang matapos ng kumain ang dalawang bata. Kami naman ni Darwin ang kumain.

" Ang sarap talaga ng luto ng Mahal ko." lintanya niya.

" Itlog lang yan Agustin. Wag kang overacting diyan. " Tinignan ko ang orasan 5:52 am na.

" Uwi nako Mahal. Sunduin ko kayo mamaya. " tumango ako. Bago siya umalis. Hinalikan niya muna sa noo ang kambal na nanonod sa TV.
6:30 am na, nakaabang na kaming tatlo sa labas ng gate.

Paparating na si Darwin. Hinatid muna namin ang kambal sa school nila. Pagkatapos ay umangkas na ako sa bisekleta niya. Kanina kasi hindi siya nag bike sinabit niya lang ang bag ng kambal sa manibela. Kanang kamay niya ang nagbabalance sa bike habang ang kaliwang kamay niya nakahawak sa kamay ni Jasper. Ako naman hawak ko ang kamay ni Joseph.

Nang marating namin ang school pinark niya muna ang bisekleta. Nag-aantay ako malapit sa hagdan ng biglang may nagsigawan.

Tumakbo ako kung saan may nagkukumpulang mga estudyante. Nakita ko ang isang kotse na hindi maayos ang pagkaka-park at kaharap no'n ay si Darwin na napahiga kasama ang bike niya.

" Agustin! anong nangyari? ayos ka lang ba? may sugat ka ba?" tanong ko sa kanya. May lalaking bumaba sa kotse.

" Ayos lang, nabangga lang ako nitong kotse. Pero hindi grabe yung impact." sabi niya habang tumatayo. Tinulungan ko naman siya. Biglang may nagsalita sa likod ko.

" Sorry Dude! Nakita kasi kita kaya napabilis ko tuloy yung pagpapatakbo ng kotse. Nabangga ka tuloy."

Lumapit ako sa lalaking nagsalita. Di ako nagdalawang isip na sampalin siya. Pagkatapos kong gawin iyon tinalikuran ko siya. Paalis na kami ng magsalita siya muli.

" Di ka pa rin nagbabago Rein. Kaya galit sayo si Daddy ".

Cold TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon