Kabanata 12

9 1 0
                                    

Kabanata 12

Wala na kaming pasok ngayon.
Maaga akong nagising kaya naglaba ako ng mga damit. Wala naman akong project or assignments.

Naisampay ko na ang ibang damit. Ang kambal naman nakaligo na kaya nanonood na sila ngayon sa sala.

Binabanlawan ko ang palda ko ng maramdaman kong may dumaan sa likod ko.

Paglingon ko walang tao. Sino iyon?
Tumingin ako sa bandang dulo.
May lalaking lumiko. Saan siya pupunta? Sa likod ng bahay?

"Sino ka?!" sigaw ko sa lumikong lalaki. Tumayo ako kaagad. Muntikan pa akong madulas dahil sa pagmamadali. Hinabol ko 'yung lalaki.

Anong gagawin niya dito sa likod ng bahay?

"Sino ka? Anong kailangan mo?"
Nakatalikod siya sa akin. Unti-unti siyang lumingon at nang magka-harap na kami.

"Agustin" Anong ginagawa niya rito?

"Hilario" ngumiti siya sa akin.

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko lumipat ka na ng bahay?"

"Oo lumipat na ako, gusto lang kitang puntahan." mahina niyang sabi.

"Ah. Matagal ka na palang umalis. Saan ka nag-aaral?" tanong ko sa kanya.

"Oo, hindi nga ako nakapag-paalam." pag-iiba niya ng usapan.

"Ayos lang." sagot ko.

"Sige alis na ako." aalis na sana siya ng bigla ko siyang pigilan.

"Sandali, may itatanong sana ako sa'yo."

"Ano iyon?"

"Pumasok ka ba dito sa bahay noong nakaraang madaling araw?"

"Hindi, kaninang umaga lang kasi ako dumating."

"Ah ganoon ba? Sige salamat."

Ngumiti lang siya sa akin. Bakit iba yata 'yung pakikitungo niya sa akin? Dahil hindi na niya ako girlfriend? Siguro.

"Sige alis na ako." after that umalis na siya.

Tinignan ko lang siya hanggang sa maglaho siya sa paningin ko.

Kung hindi si Agustin ang pumasok dito noong nakaraang madaling araw, sino?

Cold TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon