Kabanata 9
Nagising ako nang maramdaman kong hinahawakan ng kapatid ko ang kamay ko. Iminulat ko ang mata ko, si Joseph pala. Ngayon ko lang napansin dito na pala ako naka-tulog.
"Ate ano 'yang hawak mo?" napatitig ako sa tinutukoy ni Joseph. 'Yung plastic cup.
"Basura. Pumunta ka na sa CR." utos ko sa kanya.
Dumiretso ako sa kusina. Itatapon ko na sana ang plastic cup sa basurahan nang mahagip ng mata kong may nakasulat sa ilalim ng plastic cup.
"1?" Pentel ang gamit sa pagsulat dito. Pero bakit hindi ko napansin kagabi ito? Siguro dahil mas naka-pokus ako sa kung sino ang pumasok dito sa bahay.
Sino nga ba?
Pagpatak ng 6:20 ay umalis na kami ng bahay. Sinigurado kong sarado at naka-kandado ang gate.
"Balisa ka yata?" napatingin ako kay Fiorella. Kasalukuyan kaming nasa canteen dahil break time na.
"May pumasok sa bahay kaninang madaling-araw."
"Ano?! May nanakaw ba? Sinaktan ba kayo?" tarantang tanong niya.
Umiling lang ako sa kanya.
"Buti naman. Nakita mo ba 'yung mukha?"
"Hindi. Hindi ko siya nakita. Nakita ko lang na bukas na ang pinto." paliwanag ko.
"Na-report mo na ba sa police 'yan?"
"No need."
Nabilaukan si Fiorella nang marinig niya ang sagot ko. Para saan pa bang ire-report ko sa pulis kung wala naman akong ebidensya na may nanloob sa amin.
"Bakit naman? Paano kung balikan kayo?"
"Wala namang nawala na gamit. At kung balikan niya man kami hindi ako natatakot."
"Ang tapang mo naman pala. Paano kung saktan ka? Kaya mo ba?"
"Basta, sigurado akong hindi babalik 'yun."
Kutob kong hindi na babalik 'yun. Bakit? Iisipin niya rin na kapag bumalik siya may possibility na handa akong hulihin at dalhin siya sa mga pulis.
"Ikaw may sabi eh. Basta mag-iingat kayo mga bata pa naman ang kasama mo." ngumiti na lang ako kay Fiorella, mabait naman siya.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Maya-maya lang ay niyaya ko si Fiorella na umalis na sa canteen. Nakita ko siya.
"Alis na tayo." tumayo na ako.
"Hindi pa ubos ang pagkain mo."
"Tara na." buti na lang at sumunod siya.
Papalabas na kami ng pinto nang magtagpo ang mga mata namin. Nginitian niya ako. Hindi ko siya pinansin. Wala akong oras para makipag-plastikan kay Denzel.
Naging maayos naman ang buong araw ko sa school. Ang schedule ko dito ay 7:00 am hanggang 2:00 pm. 'Di tulad sa dati kong school na hanggang 2:30 pm.
Umuwi kaagad ako. Tinanggal ko ang pagkaka-lock sa gate. Paglapit ko sa pinto binuksan ko agad ito. Pagpasok ko naramdaman kong may natapakan akong papel.
Isang maliit na papel, kulay green.
Saan na naman galing ito? Wala naman ito kanina nang umalis kami ng mga kapatid ko.
Sino na naman ang naglagay nito dito?
May naglalaro yata sa akin.
BINABASA MO ANG
Cold TRUE LOVE
Misteri / ThrillerHe really loves me and I'm fine with that. He sacrificed a lot and I did nothing. One day I realized its my turn to prove to him that my love is true, its indespensable but sad to say he already gave up. I think its my fault. I let his love to be...