Kabanata 2
Dinala ko si Darwin sa clinic. Ginagamot ngayon ang galos niya sa siko. Absent na kami sa first subject. Pumunta ako sa locker niya para kunin ang naka reserve niyang PE uniform. Narinig ko naman ang usapan ng dalawang babae sa tabi ko.
" So? mababawasan ang students dito?."
" Of course. There's a new owner of this school and I heard their first plan is to stop the scholarships to those students who can't afford to pay their tuition fees."
" Correct me if I'm wrong ha. Nandito daw yung son ng bagong may ari at iyon na yung pinag-uusapan nila sa office "
after kong marinig ang pinag-uusapan nila pumunta kaagad ako kay Darwin at sinabi ang mga iyon." Galit talaga sila sakin. Kaya ginagawa nila ang bagay na to. They want to ruin my life."
Naiinis ako. Ano ba kasing ginawa kong mali?"So mawawalan na tayo ng scholarship. Hindi na tayo makakapag-aral dito." malungkot na sabi ni Darwin.
"Wala akong paki-alam. Kung kinakailangan nating lumipat para sa 2nd semester gagawin natin." matapang kong pahayag. Kailangan kong magpakatatag.
" Tama. Lilipat na lang tayo. Basta ang mahalaga makapagpatuloy tayo nang pag-aaral." gumagaan talaga ang loob ko sa ngiti ni Darwin.
Hindi naman kami bobo ng boyfriend ko kaya siguradong may tatanggap sa amin. Kahit mahirap tanggapin dahil dream school namin ito kailangan naming umalis wala kaming laban sa pamilya ko, masyado silang mapera. Kaya nilang bilhin kahit ano.
Uwian na. Pinauwi ko muna si Darwin kahit gusto niyang makalaro yung mga kapatid ko. Baka mamaya kasi masagi ng kambal yung galos niya mahirap na.Pinapakain ko yung kambal nang biglang may kumatok sa gate. Binuksan ko iyon at nakita ko si Darwin, may matandang babae sa likod niya.
"Rein" bigkas ng matandang babae, isasarado ko na sana ang gate kaso pinigilan ito ni Darwin.
"Hilario kausapin mo siya." may diin sa pagkakasabi niya.
"Nanay" nagulat ako nang magsalita si Jasper sa likod ko sumunod pala siya. Wala akong nagawa kundi papasukin si Mama sa bahay. Inirapan ko na lang si Agustin at sinaraduhan ko siya ng gate.
"What are you doing here? " Sinasayang niya lang ang oras namin.
" I'm here to tell you that your Dad--"
"Siya ang bagong may ari ng school. At tatanggalin niya ang scholarship kung saan ako umaasa para makapag tapos ng pag-aaral." dire-diretso kong sabi. Eh yun naman talaga ang totoo eh
" Rein I'm sorry pipigilan ko naman talaga sana ang Daddy mo kaso wala akong magawa. Napaka dami ng connections niya."
" I was about to tell you last week kaso nagsumbong ang kuya mo sa Daddy niyo that's why napigilan niya akong ipaalam sayo." pagpapatuloy niya.
" That's enough. Umuwi ka na. Masyado ng malamok dito sa bahay namin. Dugong mayaman ka pa naman hindi ka sanay sa ganitong lugar." totoo naman eh panigurado nandidiri na siya kasi electricfan lang ang nagbibigay hangin sa kanya at hindi aircon.
" Rein lets go home. Humingi ka na lang ng sorry sa Dad mo. For sure mapapatawad ka niya."
" No way. Hindi ko gagawin yun. At kahit gawin ko yun he will never forgive me because he hates me. And I don't have a right na tumungtong sa pamamahay niyo dahil tinakwil na niya ako di ba? so please, get out Ma, we don't need you."
Alam na ni Mama na galit ako kaya umalis na siya. Iniwan niya ang dala niyang pagkain, damit, at mga laruan para sa kambal.
10:00 pm na, hindi pa rin ako makatulog. Naalala ko si Agustin. Bakit niya dinala si Mama dito? alam naman niyang galit ako kay Mama.
Nandito ako sa kwarto ng kambal. Sinigurado ko munang tulog sila bago ako umalis. Pumunta ako sa sala sinarado ko ang,pintuan at pinatay ang ilaw. Matutulog na ako.
Humiga ako sa kama ko. Kitang kita ko yung buwan dahil bukas ang bintana ko. Ang lamig ng hangin. Pumikit na ako. Ilang segundo lang naramdaman ko na may umupo sa kama." Darwin." Siya lang naman kasi ang nakakapasok dito sa bahay.
" Sorry kung sinama ko ang Mama mo. Nagpumilit kasi siya kaya sinama ko na lang." pagpapaliwanag niya. Huminga ako ng malalim.
Tumingin ako sa kanya, kitang kita sa mga mata niya ang kalungkutan." What if, time will come na kailangan kong bumalik sa pamilya ko? Hahayaan mo ba ako? " out of nowhere tinanong ko siya.
" Oo naman, pamilya mo yun eh." syempre oo ang sagot niya may respeto kasi si Darwin sa pamilya ko.
" Dito ka matutulog? " tanong ko sa kanya parang wala kasing planong umuwi.
" Opo " sagot niya at nilagyan ako ng kumot.
" Pero doon ako sa kwarto ng kambal.
Alam ko naman ang mga limitations natin. At respeto ko iyon sa'yo dahil babae ka at ikaw ang girlfriend ko." after that hinalikan niya ako sa noo." Good night " sabi niya bago siya lumabas ng kwarto ko. Nginitian ko lang siya.
" What if magbago ang lahat? For sure hahanap hanapin ko ang Darwin Louie Agustin na meron ako."
BINABASA MO ANG
Cold TRUE LOVE
Mystère / ThrillerHe really loves me and I'm fine with that. He sacrificed a lot and I did nothing. One day I realized its my turn to prove to him that my love is true, its indespensable but sad to say he already gave up. I think its my fault. I let his love to be...