Kabanata 4
" Ikaw pala yung Rein na tinatawag niya kanina noong pasakay ako. By the way I'm Denzel Kia.....Louie's ex girlfriend."
Wow! Ang saya lang. Akalain niyo? Ex girlfriend niya pala itong babaeng ito.
" Nice to meet you Denzel, Rein nga pala kaibigan ni Louie." nakangiti pa akong nagpakilala sa kanya.
" Kaya pala nang nag-text siya sa akin kaninang umaga sabi niya may kasama siya."
Pahayag ni Denzel. Nakakayamot siyang magsalita.
" Nag-text siya sa'yo?." tanong ko kay Denzel.
" Oo. Napagkasunduan kasi namin ni Louie na magkita, ang tagal kasi naming di nagkita at nagkausap after noong break up. Hahaha. Hindi ko nga ine-expect na may kasama pala siya."
Wika niya sabay hampas kay Agustin. Magsasalita sana si Agustin kaso tinignan ko siya ng masama.
Ibig sabihin pala ako pa ngayon ang epal dito. Kasi silang dalawa lang sana ang magkikita." Tara na? Ang init na kasi masyado. Para na rin mahaba haba ang oras ng paggala natin." nauna na si Denzel maglakad. Nakasunod naman kaming dalawa sa likod niya.
" Rein, magpapaliwanag ako."
" Sa'yo na ang paliwanag mo, wala akong planong makinig."
Nauna akong maglakad sa kanya. Hanggang sa makapasok kami sa Tutuban Mall hindi ko siya pinapansin. Pasalamat siya at nariyan si Denzel hindi napapanis ang laway niya." Bagay ba sa akin itong dress Louie?." Tanong ni Denzel kay Agustin habang tumitingin sa salamin. Nandito kami sa isang boutique ng mga damit.
" Oo. Maputi ka naman kaya bagay sa'yo ang black dress na iyan."
Ang galing naman! napaka-suportado ng boyfriend ko sa ibang babae. Ang sweet!" Ikaw Rein? wala ka bang gusto sa mga dress dito? Libre kita, friend ka naman nitong Louie ko eh." nakangiting sabi ni Denzel sa akin.
Ang bait naman pala nitong babaeng ito ano? libre niya raw ako dahil kaibigan ako ng LOUIE NIYA." Salamat na lang, hindi ako nagsusuot ng mga ganyan."
" Magpa-libre ka na, magtatampo siya sakin mamaya kapag tinanggihan mo yung offer niya sa'yo." bulong sa akin ni Agustin.
" Kung gusto mo, ikaw magpa-libre tutal wala ka namang pera di ba?." pagtataray ko. Lumabas ako sa botique, naiimbyerna talaga ako sa kanila.
May nakita naman akong nagtitinda ng mga bags, di ko itatangging may gusto akong bilhin dito kaso uunahin ko pa ang gastusin namin sa bahay.
" Gusto mo iyan?." Hindi ko siya pinansin, tinuloy ko ang pagtingin sa mga paninda.
" Rein naman, kausapin mo naman ako." pagpupumilit niya.
" Blah...Blah." bagot kong sabi sa kanya.
" Kausapin mo ako ng matino." seryoso niyang sabi, tinitigan ko siya bago magsalita.
" Blah...Blah." wika ko sa seryosong tunog. Kumunot ang noo niya, nagagalit na siya.
" Rein ano ba?! Hindi ito maaayos kung hindi mo aayusin ang pakikitungo mo sa akin." Medyo tumaas ang boses niya kaya tinignan kami ng tindera.
" Try mong ipaayos sa DENZEL MO."
Nababagot kong sagot sa kanya. Nakita kong lumabas na si Denzel sa boutique kaya sumigaw ako." Denzel nagugutom na itong Baby mo! Kanina pa nagtatampo sa'yo!." agad naman siyang lumapit at yumakap kay Agustin.
" Asus, ang Louie ko nagtatampo na. Tara na kain na tayo." hinila ni Denzel si Louie, nakasunod naman ako sa likod nila.
Ginalit niya ako kanina, puwes ngayon siya naman ang gagalitin ko.
Pumasok kami sa isang Fast food. Magkatabi sila samantalang ako kaharap ko si Agustin. Si Denzel ang nagbayad ng pagkain namin. Tahimik akong kumakain habang ang dalawa patuloy na nag-uusap.
" Kamusta na sina Tito at Tita?."
" Ayos lang naman. Nasa probinsya sila ngayon dahil kasal ng inaanak nila."
" Speaking of kasal, naalala mo sila Gembe at Roy? Yung kapitbahay natin dati kinasal na rin sila. Natawa nga ako, naghiwalay sila dati pero sila pa rin ang nagkatuluyan." magiliw na wika ni Denzel kay Agustin.
" Tama naman ang ganyan eh. Naghiwalay sila pero naging sila ulit, alam mo kung bakit? kasi marunong silang makinig at makiramdam sa isa't isa." May diin sa pagkakasabi ni Agustin. Tsk.
" Tama, wala kasing nangibabaw na pride. Hahaha." Nagkatitigan silang dalawa, nasulyapan ko iyon pero binalik ko rin ang tingin ko kaagad sa pagkain.
" Ikaw kamusta ka ngayon? Parang wala kang problema ah." puna ni Agustin kay Denzel. Ako? patuloy pa ring kumakain.
" Problema? kung may problema ako hindi iyon tungkol sa school, pamilya, o pera, Hahaha." sagot ni Denzel.
" Eh problema naman saan?" Inaantay ko ang sagot ni Denzel kay Agustin. Ilang segundo bago siya nakasagot.
" To be honest, nag-iisa lang ang problema ko, iyon ay noong nakipaghiwalay ako sa'yo. HAHAHA."
Tumawa siya pero halatang malungkot ang boses ni Denzel. Hindi ko naman sila tinitignan. Nakikinig lang ako.
" Awkward man sabihin kasi nandito ang kaibigan mo Agustin, pero magpapakatotoo lang ako, hanggang ngayon nanghihinayang ako sa naputol nating relasyon. Kung hindi lang sana ako naunahan ng takot at kung sana lumaban ako para sa relasyon natin noon siguro hanggang ngayon tayo pa rin."
" Sana nga lumaban ka, tulad ng paglaban ko sa relasyon natin, hedi sana mas masaya tayo ngayon."
Nang marinig ko mismo ang mga katagang iyon mula kay Agustin, bigla kong naiangat ang mukha ko dahilan para magtagpo ang mga mata namin.
Ngumiti ako sa kanya pagkatapos no'n ay nilisan ko na ang lugar na iyon.Ang sakit pala, lalo na dahil pinahihiwatig ng mga katagang iyon na nanghihinayang din siya sa naudlot nilang relasyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/92527728-288-k904496.jpg)
BINABASA MO ANG
Cold TRUE LOVE
Mystery / ThrillerHe really loves me and I'm fine with that. He sacrificed a lot and I did nothing. One day I realized its my turn to prove to him that my love is true, its indespensable but sad to say he already gave up. I think its my fault. I let his love to be...