Kabanata 11

9 17 8
                                    

Kabanata 11

"October 8, 2016
Kalye Trese"

Ano namang ibig sabihin nito?
Bakit ganito ang nakasulat?

"Ano iyan?" tanong ni Fiorella.

"Papel."

"Wala namang sulat 'yan. Bakit hindi mo pa itapon?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot. Pinailaw ko 'yung flashlight na nasa magic pen.

"Oh my gosh! Hidden letter pala."

Kinuha niya 'yung papel sa kamay ko.

"October 8? Kalye Trese? Ano 'to venue ng first date niyo?"

"Kung mahilig lang akong mag-mura busog ka na sana sa akin."

"Joke lang. Pero saan mo nga nakuha?"

"Hindi ko nga alam kung sinong nag-iwan niyan sa bahay."

Hindi nakapag-salita si Fiorella nang pumasok ang teacher namin.

Hanggang sa matapos ang klase iniisip ko pa rin kung sinong nag-iwan ng mga bagay na iyon sa bahay.

Paano kung si Agustin nga? Pero bakit naman niya gagawin iyon? Ilang linggo na kaming hindi nagkikita. Wala na akong balita sa kanya. Kahit ilang kanto lang ang layo ng bahay nila sa amin ay hindi kami nagkita kahit minsan simula noong araw na pinutol ko ang lahat ng meron kami.

Pagkatapos ng klase namin ay napagpasyahan kong pumunta sa bahay nila Agustin. Siguro naman ay hindi niya ako dededmahin.

Nais ko lang naman magtanong sa kanya pero hindi ito tungkol sa naging relasyon namin.

Narito na ako sa tapat ng gate ng inuupahan nilang bahay. Bakit walang tao?

"Ale nandiyan po ba si Darwin?" tanong ko sa babaeng kakalabas lang ng bahay nila Agustin.

"Ay iha. Girlfriend ka ni Agustin di ba?" Hindi ako sumagot.

"Hindi niya ba nasabing umalis na sila rito? Matagal na silang wala noong nakaraang linggo pa. Nilinis ko na nga lang 'yung bahay kasi may bagong uupa." paliwanag niya.

Nagpasalamat ako at tsaka umalis.
Umalis na pala siya. Siguro nga tanggap niya na rin na wala na kami.

Habang naglalakad ako nadaanan ko 'yung isang poste ng ilaw.

Naalala ko, nag-away kami noon. Pumunta ako sa bahay nila dahil nalaman kong kinausap niya si Mama. Umalis ako sa bahay nila kahit umuulan, noong mga oras na iyon sa sobrang inis ko dito mismo sa tapat ng poste na ito umupo ako at nagsisisigaw. Nagulat nga ako ng oras na iyon ng mapansin kong wala ng tumutulong tubig ulan sa akin, pinayungan niya na pala ako.

Tinitigan ko ang poste. Luma na ito, halata dahil sa unti-unti ng nababakbak ang pintura.

"Nilamon na ng dilim ang kalangitan."

Binasa ko ang nakasulat. Nakakapagtaka ito lang ang nakasulat sa posteng ito. Sa ibang bahagi ng poste kusang natanggal ang pintura. Pero sa bahagi kung saan nakasulat ang pahayag na ito halatang sadya itong sinulat gamit ang matulis na bagay.

Sino namang nag-sulat nito?
Isang wirdong bagay na naman ang natagpuan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ito ng litrato.

Hindi kaya may koneksyon ang plastic cup at papel na nakuha ko sa bahay at sa nakasulat sa posteng ito?

Hindi ko alam. Pero wala namang mawawala kung aalamin ko.

Cold TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon