Kabanata 7

11 28 7
                                    

Kabanata 7

Hanggang sa makauwi ako sa bahay hindi pa rin ako makapaniwala na schoolmate ko si Denzel.

Paano nangyari iyon?
Paanong doon siya nag-aaral?

Sabagay wala naman akong pakialam sa kanya.

"Ate, bakit 'di na pu-pumupunta si Kuya D-Darwin dito?" tanong ni Joseph sa akin, hindi ko siya kinausap.

"Pagod na ba siyang magpali-ligo sa akin? kay Jasper?" Malungkot na sabi ni Joseph.

Kung maiintindihan lang sana ng mga kapatid ko ang sitwasyon na ako ang napagod at hindi ang kuya Darwin nila.

"Joseph buzy na kasi ang kuya Darwin mo."

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Uminom ako ng tubig. Hindi ko na yata kayang sagutin ang mga tanong ni Joseph, masasaktan lang ako.

Sinara ko ang pinto sa sala para hindi makalabas ang kambal. Gabi na kaya aayusin ko ang higaan ko.

Habang nag-aayos may nasagi akong box sa ilalim ng kama. Nang tignan ko, ang daming alaala ang bumalik sa isip ko.

Itinungtong ko ang box sa kama at isa isang tinignan ang mga laman nito.

Una kong kinuha ang portrait ng mukha ko na gawa ni Agustin. Binigay niya ito sa akin noong birthday ko. Ang picture na ginaya ni Agustin ay noong araw na tinanggap ko siya na maging boyfriend ko. Inutusan niya pa ang kaibigan niya na kunan kami ng litrato. Mapapansing napakasaya ko ng araw na iyon dahil sa ganda ng ngiti ko.

Sunod kong kinuha ang isang garapon na puno ng mga sticky notes. Nakasulat dito ang mga conversation namin sa classroom. Naalala ko na naman noong napagalitan kami ng teacher namin matapos niyang makitang nagsusulatan kami. Ayaw ko kasing makipag-usap sa kanya sa room. Kaya sabi niya magsulatan na lang kami gamit ang sticky notes.

Nakita ko rin ang bracelet na binigay niya sa akin. May pendant itong crown.

Narito rin ang plastic cup na ginamit ko noong una kaming gumala sa park. Wala raw siyang pera kaya kwek-kwek ang kinain namin at ang inumin ay palamig.

Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko ang mga masasayang araw na iyon.

Bakit ako nasasaktan? Wala naman akong pakialam sa kanya.

Wala akong pakialam pero hindi ko talaga alam kung bakit nag-uunahang tumulo ang luha ko nang makita ko ang singsing na suot suot ko ngayon.

Umpisa pa lang alam kong hindi magiging maayos o maala-fairytale ang relasyon namin pero tinuloy ko hindi dahil natatakot akong walang karamay kundi natatakot akong magalit siya sa akin.

Mahal niya ako kaya dapat ganoon din ako sa kanya. Pero sa dalawang taong relasyon namin ramdam kong hindi sapat ang pag-ibig ko para sa kanya. Napakarami kong pagkukulang kaya minabuti kong hiwalayan siya.

Akala ko kapag hiniwalayan ko siya makakatakas ako sa pagpilit sa sarili kong mahalin siya pero ang nangyayari ngayon nanghihinayang ako.

Bobo nga siguro ako, isang Darwin Agustin ang sinaktan ko.

Pero wala akong magagawa, nasaktan din ako sa sinabi niya noong kasama namin si Denzel. Dahil sa sinabi niyang iyon naramdaman kong nagsasawa na rin siya sa akin.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Tinanggal ko ang singsing na suot suot ko. Patuloy lang akong masasaktan kung iisipin ko pa siya.

Nilagay ko ang singsing sa box at itinago ito sa ilalim ng kama.

Kung may kailangan man akong gawin ngayon iyon ay kalimutan si Agustin.

Cold TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon