Aly's
Napaka sarap magmahal nang taong alam mong mahal na mahal ka at takot na mawala ka sa buhay nya.Yung aalagaan ka,mamahalin. Yung tipong sobrang possessive pero hndi nakakasakal.
"Alyssa Valdezzzzzzzzzz! Tulala ka! Sino na namang iniisip mo jan ha. Wag mo lang sabihin saking ibang babae yan dahil titirisin talaga kita."
Tulad nalang nitong babae na nakahiga sa lap ko ngayon na handa na akong sakmalin kong hnd nya Magugustuhan ang isasagot ko. Nasa sala kami nang bahay nila nanunuod nang palabas
"Babe, diba sinabi ko na sayo kapag nakatulala ako dalawa lang ang rason nun, it's either I am thinking of you or I am planning for our future kaya kalma kalang jan babe baka masuntok mo na naman ako eh"
Opo, nasuntok napo nya ako nang minsang hnd ko namalayang nakatulala na pala ako sa harap nya dahil hnd ko maiwasang isipin na ang swerte ko sa kanya. Selos na selos sya dahil akala nya kung sinong babae ang iniisip ko. Namaga ng isang linggo pisngi ko dun. Ganun sya ka selosa.
"Siguraduhin mo lang dahil hnd ako magdadalawang isip na suntukin ka uli pag nalaman kong iba na iniisip mo. Naiintindihan mo ba?"
Sabi nya na may halong pagbabanta. Haha😂😂
"Opo babe, intinding intindi po. I love you babe, so much."
"Buti naman kung ganun, I love you more at very much. Kiss mo nga ako hmmmmm"
Sabay nguso nya at ako bilang mabait na kasintihan ay sumunod naman na may napakalapad na ngiti sa aking labi.
Nagpatuloy lang kami sa panunuod hanggang sa nakatulog nasi dennise sa mga hita ko. Pinagmasdan ko sya habang natutulog, hnd ko maiwasang isipin na kahit ganyan sya, napaka selosa, sadista, masyadong tamang hinala at minsan parang bata sya, at ubod nang katarayan, napaka swerte ko pa din sa kanya. Hindi man sya yung tipo nang babae na mahinhin at tahimik ,sya naman yung babaeng brutal pag may lumalandi sayo at maingay kapag malungkot ka para lang maiwasan mong isipin ang mga bagay na nagpapabigat nang loob mo.
Flashback
Naka upo lang ako sa sala namin sa bahay at nakabusangot dahil sa injury ko sa tuhod na dahilan kong bakit hnd pa sigurado kung makakalaro ako sa season na ito sa basketball nang dumating si Dennise.
"Bakit naka busangot ang mahal ko?"
Sabay upo sa tabi ko at umakap sa akin patagilid .
"Babe, malapit na ang basketball league pero malala padin ang tama nang kaliwang tuhod ko. Gusto kong maglaro babe. Gusto kong bumawi sa mga kasama ko at for you to be proud of me"
Nakayuko lang ako dahil ayaw kung makita nya ako sa ganitong estado.
"Babe, gagaling yang injury mo maniwala ka. Basta palagi ka lang a attend sa mga therapy mo gagaling ka at babe ito tandaan mo kahit na hnd ka makapaglaro proud pa din ako sayo. Ikaw lang ang nag iisang MVP sa buhay ko."
Nakangiting sagot nya at tinignan ako sa mata sabay halik sa pisngi ko. Nagulat ako dahil bigla syang yumuko at hinalikan ang injured kong tuhod.
"Ayan para mas lalong gumaling. Babe kakanta ako para sayo hintay lang ha."
Tumayo sa at sinet up ang videoke. Tawa ako bang tawa dahil bukod sintado sya ay para din syang baliw na sumasayaw at inaakit ako gamit ang lipbite nya.
EOFB
Ganyan sya sa akin. At tulad nang normal na relasyon nag aaway din kami dahil nga napaka selosa nya
Flashback
Narito ako sa gym ngayon nagpapraktis nang basketball kasama ang team at nasa bleachers lang si dennise kasama ang bestfriend nyang si ella at nanunuod. Water break na namin at lalapitan ko na sana sya nang hinarangan ako ni Lau, ex girlfriend ko at binigyan ako nang tubig. Umikot pa sya sa likod ko at bago pa ako maka angal nilagyan na nya ako nang panyo sa likod ko. Humarap ulit sya at pinunasan ang pawis ko sa mukha.