Kung siya man by TJ Monterde

1.3K 28 1
                                    

Bea's 

Jho is my long time girlfriend. Masasabi ko na sa 9 years na in a relationship status with her is the  best 9 years of my life. Masaya kami, masayang masaya. Yung parang nothing can break us even the strongest wrecking ball couldn't.

Nakatira na kami sa isang bobong.  Kasal nalang talaga ang kulang. Pinag iiponan ko pa kasi yun nang husto. I am working as an HR staff sa isang kompanya . Hindi naman kasi Ako mayaman. My mother is a high school teacher sa isang public school while my father is an engineer. Sapat lang ang kinikita nila para sa amin. We are 5 and I am the oldest. Tatlo pa ang kapatid ko na nag aaral sa kolehiyo at isa sa sekondarya kaya kapos pa talaga Ako dahil tinutulungan ko pa magulang ko na patapusin ang mga kapatid ko. Actually sa aming dalawa ni jho,  si Jho talaga ang mayaman. She is working in there company nga. Tanggap naman kami nang parents nya. Mabait sila tita at Tito sa akin. Pinayagan nila kami to stay together in one roof since matagal na kami and jho wanted too. Itong condo na tinitirhan namin ni Jho ay regalo sa amin nang parents nya noong 6th anniversary namin kung nag proposed Ako sa kanya. Nakakahiya man pero tinanggap narin namin dahil they insist habang pinag iipunan ko pa daw ang future namin. Natagalan nga lang talaga ang pangako kung kasal sa kanya dahil sa sitwasyon ko. Sabi ni Jho handa naman daw syang mag antay hanggang sa maka.ipon na Ako.

"Hi, babe kamusta po ang araw mo.?"

Ngiting bati ko sa kanya nang dumating sya. Hinihintay ko kasi sya dahil nauna akong naka uwi sa kanya. Nagtataka nga Ako dahil kanina pang 5 pm ang out nya pero ngayon pang sya naka uwi na quarter to 11 pm na. Baka nag overtime sabi ko nalang sa sarili ko.

"OK lang pagod"
 
Walang ganang sagot nya.

"Bakit ngayon ka lang nka.uwi babe, marami ba kayung ginawa.?"

"Oo"

"Tulad nang ano babe?"

"Meeting"

"San babe, kanino?"

"Ang dami mo namang tanong eh, nakaka bwesit kita mong pagod Ako! Tabi nga Jan matutulog na ako"

Tinulak nya ako at diretsong pumasok sa kwarto namin.

Recently parang may something sa kanya. Ito yung napapansin ko sa kanya. Parati nalang syang cold sakin lately. Dati naman ang lambing lambing nya. Minamasahe pa nga nya Ako at inaasikaso pagkauwi ko galing trabaho.

Ang ganitong mga eksena ay nasundan pa. Parati nalang syang late umuwi minsan nga Hindi talaga sya nauwi. Kapag nasa bahay na man pag off nya ay parati namang mainit ang ulo at umaalis din. Napapadalas na din angaway namin. Iniintindi ko.pa sya nung una dahil akala ko stress lang sya sa trabaho nya at na pep pressure sya dahil sya na ang papalit sa papa nya bilang CEO nang kompanya nila.

Until I decided to pay a visit kina tita at Tito dahil wala naman si Jho dahil sinabi nyang may meeting sya sa isang  kliyente nila.

"Hi po tita, kamusta na po kayo."

Sabi ko Kay tita nang pinapasok.na Ako nang kasambahay nila. Nasa sala si tita at nanunuod lang nang palabas nang maabutan ko.

"O? Hi Bea anak. Napadalaw ka akala ko ba magkasama kayo ni Jho ngayon? Sabi nya kasi may date kayo?"

Nagtatakang tanong ni Tita. Napakunot naman Ako nang noo sa sinabi ni tita. Ang paalam.nya sa akin may meeting sya?

"Ah opo, kaso may emergency daw po na nangyari sa kompanya kaya pinuntahan nalang nya muna"

Palusot ko nalang Kay tita para Hindi nya mahalata na hnd kami ok nang anak nya nitong nagdaan na linggo.

Nag usap lang kami ni tita. Kinamusta ang trabaho ko. Matagal na kasi nyang gusto na sa kumpanya nila Ako pumasok pero hnd Ako pumayag dahil gusto Kong ipakita sa kanila na kaya kung buhayin ang anak nila.

Rhythms(One Shots Ft.alyden&jhobea)Where stories live. Discover now