Another creepy story of mine,
Taong 2008 nangyari sakin to, alas singko pa lang ng madaling araw gising na ko sa kadahilanang nasanay na mata ko gumising ng ganun kaaga lalo na pag may pasok ako sa school.
Ako pa lang yung gising nung time na yun kaya naisipan ko na lang bumaba para mag luto ng almusal namin. Yung bahay kasi namin may tatlong steps/baitang paakyat kung nasan yung mga kwarto at main CR, so ayun nung nsa may steps na ko pababa may na daanan akong batang lalaki mga 5 years old na naka upo sa pangalawang steps.
Nung una d ko lang siya pinansin, nilagpasan ko lang tapos dumeritso na ko sa kusina. Nung nsa kusina na ko tsaka ko na alala yung bata kasi napaisip ako may kapatid akong bata pero isang taon pa lang, sa takot ko umakyat ako ng kwarto nila mama ginising ko sila at sinabi yung nakita ko.
Sabi ni mama baka daw yung kapatid kong namatay na yung batang nakita ko at oo nga pla mga five years old siya nung namatay siya. Simula nun pag nauuna akong magising d na ako lumalabas ng kwarto ko inaantay ko muna marinig boses ni mama na gising na siya bago ako bumangon.
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Karanasan (true story)
HorrorAng mundo ay nababalot ng hiwaga. Sadyang may mga bagay dito sa mundong ibabaw na mahirap hanapan ng lohikal na paliwanag. Karamihan sa atin ay ipinagwa-walang bahala ang mga napapansing mga bagay na gumagalaw o mga pangitaing kakaiba. Pero ang ila...