Ito naman po story ng lolo ko noong mga five years old lang ako nung time na yun.
Ugali na nila lolo at pinsan niya na mag punta sa gubat at manghuli ng mga kinakaing exotic animals, sa gabi sila gumagawa ng mga bitag tapos babalikan na lang nila pag umaga para tignan kung may nahuli ba sila.
Isang gabi umalis na naman sila lolo tsaka si Tatay Don ( di niya tunay na pangalan) para manghuli ng bayawak.
Nung pauwi na raw sila pagkatapos gumawa ng mga bitag, dumaan ulit sila sa malaking ilog na may punong Balete sa gilid tapos may mga puting malalaking bato.
Nung palapit pa lang sila sa ilog na yun hindi na daw maganda pakiramdam ni lolo, kinakabahan siya at nilalamig.
Pag daan nila may napansin sila sa puno ng Balete na may mga umiilaw na iba't-ibang kulay na parang sa christmas lights.
"Ter, mukhang sinusubukan tayo ah?" Sabi ni tatay Don kay lolo habang tumatawid na sila ng ilog.
"Wag mong pansinin, kasi pag nakita nilang natatakot tayo mas lalo lang tayong pararamdaman ng mga yan." Sagot ni lolo.
Mas nangilabot daw sila ng noong pag lagpas nila ng ilog biglang tumugtog ng pang patay yung puno ng Balete habang kumikislap-kislap yung mga ilaw na may iba't ibang kulay.
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Karanasan (true story)
HorrorAng mundo ay nababalot ng hiwaga. Sadyang may mga bagay dito sa mundong ibabaw na mahirap hanapan ng lohikal na paliwanag. Karamihan sa atin ay ipinagwa-walang bahala ang mga napapansing mga bagay na gumagalaw o mga pangitaing kakaiba. Pero ang ila...