40 Days

42 1 0
                                    

Kuwento parin 'to about sa lola ko.
Si lola ko kasi mahilig sa bulaklak, nung nabubuhay pa nga siya magagalit yan pag pinipitas ng mga bata yung mga bulaklak ng halaman niya.
So yun nga 4 days before yung flight ko pauwi sa province para sa 40 days niya, nanaginip ako tungkol sa kanya. Galing daw akong dagat nun, basang-basa ako kaya sa kusina ako dumaan. Andun si lola sa kusina tsaka yung kapatid niya si nanay Nita gumagawa ng suman, niyakap ko si lola habang nakatalikod siya kahit basa ako. May pinag-uusapan sila nun tapos ewan ba't biglang nalipat yung usapan kasi nagtanong si lola sakin kung kylan daw uwi ko at dalaw daw akong sementeryo after ng 40 days magdala daw ako bulaklak.
Nagising akong umiiyak kasi sobrang linaw ng panaginip ko tapos yung mukha ni lola yung malusog pa siya nun 😭.
(Nanay, sana masaya ka na ngaun na anjan ka kay papa god. Mahal na mahal ka namin, dalaw ka ulit sa panaginip ko please 😭)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nakakatakot Na Karanasan (true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon