Nangyari naman ito noong namatay ang bestfriend ng pinsan ko.
Sa boarding house niya pa rin ng makita ko ang patay na bestfriend niya.Dahil naka ugalian ko nang matulog pag tanghali, so after namin mag lunch ng pinsan ko. Humiga ako sa kama, habang si pinsan naman naka upo habang busy sa kakakalikot ng cellphone niya.
Nagising ako or let say na alimpungatan (hindi ko alam tawag doon na magigising ka tapos bigla din balik sa pag tulog), nakita ko si pinsan nakaupo doon sa dining table namin tapos may babaeng nakatayo sa right side niya. Yung babae naka bulaklaking dress tapos mahaba yung buhok na hanggang baywang tapos na aamoy ko pabango ng babae kahit medyo malayo yung kama sa table na andoon sila. After noong nakita ko nakatulog ulit ako.
Bandang alas-kuwatro na nang hapon ako nagising, nakita ko si pinsan doon parin nakaupo sa mesa kung saan nakita ko siya at yung kasama niyang babae kanina. Pero ngayon umiiyak si pinsan ko, kaya tumayo ako agad tapos umupo paharap sa kanya.
"Oh! Ate Joy, bakit ka umiiyak?
"Tumawag kasi si kuya Jerry (kuya ng bestfriend niya), patay na daw bestfriend ko" sabe niya habang patuloy sa pag-iyak.
"Condolence te, nga pala sinu pala yung kasama mong babae dito kanina? Nakatayo diyan sa gilid mo"
"Niloloko mo ba ako?! Eh ako lang mag-isa dito habang ikaw tulog na tulog" sabe niyang nanlalaki ang mata sa gulat ba o takot.
"Hindi ako nagbibiro, nagising ako kanina tapos nakita kitang may kasamang babae ang bango pa nga niya. Maputi siya, na nakasuot bulaklaking dress tapos mahaba buhok niya na hanggang baywang. Hindi ko lang nakita mukha niya kasi nakatalikod siya sakin na nakaharap sayo" sabe kong nagpapaliwanag.
Biglang tumili pinsan ko tapos sabay sabi sa akin, "Ehhh naman, wag mo ko takutin!"
"Anu kayang nakakatakot dun?, eh sa nakita ko naman talaga na may kasama ka kanina"
Sabay siya tayu tapos takbo sa labas ng kuwarto, napasunod naman ako.
"Bakit ba?" Tanong kong nagtataka
"Eh! Panu, yung sinabe mong babaeng kasama ko kanina, siya ang bestfriend ko"Doon ko nalaman na yung babaeng nakita ko hindi pala totoong tao, baka gusto lang niya makita pinsan ko kasi namatay nga siya na hindi alam ng pinsan ko kaya siguro dinalaw niya si pinsan.
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Karanasan (true story)
HorrorAng mundo ay nababalot ng hiwaga. Sadyang may mga bagay dito sa mundong ibabaw na mahirap hanapan ng lohikal na paliwanag. Karamihan sa atin ay ipinagwa-walang bahala ang mga napapansing mga bagay na gumagalaw o mga pangitaing kakaiba. Pero ang ila...