Tricycle

552 9 0
                                    

Nangyari po ito last week nang gabi pa punta ako sa Bayan nung time na yun.

Nasa labas ako ng compound na tinitirhan namin nag-aabang ako ng tricycle noon, mga thirty-minutes may trike na pumara sa harap ko.

"Manong sa Old Market po" sabi ko habang pasakay sa tricycle niya.

Na traffic kami kalagitnaan ng biyahe kasi nga may road-works tapos one-way lang.

After two-minutes sa traffic na yun nkarating din ako ng town.

"Manong bayad po, salamat po" sabi ko habang pababa ng tricycle niya.

"Ahm Ineng, siya nga pala bakit ka sa may likuran ko banda umupo kanina?" Tanong niya sakin noong patalikod na sana ako.

"Kasi po may sakay ka kanina sa loob ng tricycle mo kaya sa likuran nalang ako umupo" sagot ko naman habang nagtataka kung bakit niya tinanong yun. "Adik ba 'to si manong? First time atah may nag ask sakin kung bakit sa likuran ako umupo" sa isip-isip ko.

"Sakay? Eh kalalabas ko nga lang nang bahay nung nadaanan kita na nag-aabang ng trike!" Sabi niya na halatang nagulat sa sinagot ko sa kanya.

"Opo may sakay ka kanina, bumaba nga po siya nung na traffic tayo baka nagmamadali yun sa pupuntahan niya kaya bumaba nalang"

Hanggang ngayon iniisip ko baka nga multo yung nakasakayan namin ng tricycle driver kasi imposible naman na hindi nakita ni manong na may sumakay sa trike niya nung lumabas siya ng bahay nila para pumasada.

Nakakatakot Na Karanasan (true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon