Hindi ko po kasi alam kung anu yung akmang Title para dito. So anyway basahin niyo na lang po.
Nangyari po ito kagabi lang mga bandang alas-onse yun habang nakahiga na ko sa kwarto nanunuod ng Mr. Bean at nag music na rin sa phone ko.
Ako lang kasi mag-isa dito sa bahay kagabi kasi nga yung mga kasama ko nasa Baguio tinamad kasi akong sumama kaya ayun.
Habang tumutogtog music sa phone ko kasi naka headset nga ko may narinig akong nabasag, parang nasa uluhan ko lang yung tunog. Para siyang baso o babasaging gamit na nalaglag .
Dahil sa malakas nga yung pagkabasag tumayo ako tapos chineck ko yung kwarto kung san banda yung may nabasag pero wala akong nakita, kaya lumabas ako ng bedroom tapos hinahanap ko sa buong bahay kung san yung nabasag pero wala akong nakita.
"Strange, saan kaya nanggaling yung pagkabasag" sa isip-isip ko.
Imposible naman na sa kapitbahay namin yun kasi malayo-layo agwat ng mga bahay dito, at kung sa kanila man galing hindi ko maririnig yung pagkabasag na yun na yung tunog parang sa uluhan ko lang nang-galing.
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Karanasan (true story)
HorrorAng mundo ay nababalot ng hiwaga. Sadyang may mga bagay dito sa mundong ibabaw na mahirap hanapan ng lohikal na paliwanag. Karamihan sa atin ay ipinagwa-walang bahala ang mga napapansing mga bagay na gumagalaw o mga pangitaing kakaiba. Pero ang ila...