Naniniwala ba kayo sa pamahiin or sabi-sabi na pag daw nag hihingalo na yung tao nagpa paramdam sa kamag-anak na nasa malayo at parang sinasabi na uwi kana? Nangyari sakin 'to nung naghihingalo na lola ko.
July 27 nung binalita ni tita na baka 'di na kayanin ng lola ko kasi sobrang hina na niya at kung kaya ko daw umuwi agad kung maaari umuwi na ko pa province kasi hinahanap na daw ako ni lola. Kinagabihan kasi ako lang mag-isang nakatira sa apartment ko, nagtataka ako ba't ang daming bangaw (malaking langaw na may kulay green na makintab na katawan) sa loob ng bahay eh samantal naka screen pinto at mga bintana ng apartment. As in ang dami yung iba nga mababa yung lipad, hinahabol ng aso ko kasi nagliliparan talaga sa loob ng bahay.
July 28 nakapikit na lang lola ko pero nkakapag salita pa siya yun lang sobrang hina na, tapos kung ano-ano na daw sinasabi.
Ako naman dito nagtataka kasi pag gising ko yung mga bangaw na ang dami kagabi, patay silang lahat tapos nung winalis ko kasi nasa sahig at bintana yung mga patay na bangaw halos mangalahati yung lata ng sardinas na pinag lagyan ko. Then pag sapit ng alas 6 ng gabi meron na naman as in sobrang dami, nagtataka ako kung san sila galing.
July 29 as usual pag gising ko patay na naman lahat ng bangaw kagabi kaya winalis ko at inipon ko dun sa lata na pinaglagyan ko ng naunang mga patay na bangaw. Buong araw kausap ko sila tita at lolo kasi gusto ko malaman kung kamusta si lola, pero d na niya talaga kaya kasi nagsasalita na daw na ihanda na daw damit at tsinelas niya kasi anjan daw parents niya sinusundo daw siya kasi may pupuntahan sila at kung ano-ano pa sinasabi niya. Kina hapunan bandang alas 6 ito na naman yung mga bangaw sobrang dami (mas dumami sila kesa nung mga naunang 2 gabi) tapos mga bandang alas 8 tumawag si tita na naghihilik na lang daw si lola, sana daw maabutan ko pa kasi July 30 ung flight ko pauwi nun. 9:45 ng gabi nung sinabi ni tita na wala na talaga si lola 😭 ang nakaka gulat nung time na sinabi ni tita patay na lola ko eksaktong time din nawala yung mga bangaw as in nawala na 'd ko alam at wala akong mahanap na sagot kung saan at pano sila biglaang nawala na lang. Nung lamay ni lola na kwento ko sa mga matatanda na kamag-anak namin yung tungkol sa bangaw at sabi nila yung daw yung way na nagpaparamdam c lola pinapauwi na ko. Hanggang ngaun d ko parin alam kung totoo ba ung pamahiin na ganun or nataon lang.
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Karanasan (true story)
HorrorAng mundo ay nababalot ng hiwaga. Sadyang may mga bagay dito sa mundong ibabaw na mahirap hanapan ng lohikal na paliwanag. Karamihan sa atin ay ipinagwa-walang bahala ang mga napapansing mga bagay na gumagalaw o mga pangitaing kakaiba. Pero ang ila...