Aswang

610 8 0
                                    

Karanasan po namin ito ni lolo,pinsan at ako.

Bandang alas-otso ng gabi noon at bilog na bilog at ang liwanag ng buwan nung sumama kami kay lolo sa ilog, mag half-bath daw kasi siya kaya ako tsaka si pinsan sumama.

Habang nag ha'half-bath si lolo kami naman ni pinsan nakaupo sa may batuhan at nagke-kwentuhan ng biglang sinabi ni pinsan sakin.

"Couz, anu yun?" Sabay turo sa may kabilang side ng ilog.

"Baka naliligo lang din" patay malisya kong sabi.

"Mukhang hindi, kasi bakit ganyan siya nakatuwad habang tinitignan yung buwan"

"Akin na nga yang flashlight, iilawan ko para sigurado"sabi ko sabay tutok ng flashlight sa taong nakita namin. Nanigas bigla katawan ko sa nailawan ko kasi totoo nga nakatuwad siya (nakabaligtad po siya, yung ulo niya sa gitna ng mga binti niya habang nakatingin sa bilog na bilog na buwan)

"'Lo!" Magkasabay na sigaw namin ni pinsan, habang tinuturo namin yung taong nakita namin.

Pero pag ahon ni lolo sa tubig para tignan sana yung tinuturo namin, wala na doon yung tao.

Pag-uwi namin, kinuwento namin sa kapitbahay namin ang sabi niya ganun daw pag bagong aswang pa lamang nag-aaral daw yun kung panu lumipad.

Yung iniisip namin ni pinsan nung time na yun, ang creepy kasi ganun pala yung mga aswang na nag-aaral pa lang lumipad, nakatuwad habang nakatitig sa buwan ng naka baliktad.

Nakakatakot Na Karanasan (true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon