Agta

98 1 0
                                    

Last week lang po nangyari to nung umuwi ako sa Samar para dalawin grandparents ko.

Gabi nun around 8-8:30 ata nung mag punta ako kina tita (kapatid ng mom ko) pra makipag kwentuhan at kamustahan na din. Habang nagtatawanan kami nina tita at mga pinsan ko (while si tito tsaka mga kumpare niya nasa balkonahe nag iinoman) biglang narinig namin c tito nag salita ng malakas.
"pre, nakikita mo ba ung nasa may batuhan?, may mga naliligo rinig nga hanggang dito yung tunog ng tilamsik ng tubig" sabi ni tito kay Manong Marlon. (yung bahay kasi nila tita tanaw yung ilog sa baba)
"mga batang naliligo!, pero imposible naman na may mga bata ng ganitong oras jan sa ilog". sagot ni Manong Marlon habang kinaklaro yung tinitignan niya.
"mga agta yan, sinumpong na naman ata yung Balete jan sa may ilog at naglabasan na naman sila". sabay sabi ni Manong Danny.
Sabi ni tita yung mga agta daw ay isa sa mga engkanto/lamang lupa na may kulay na sobrang itim. Hinayaan nalang nila tito yung mga agta na akala mo mga batang naglalaro habang naliligo kasi baka daw anu pa gawin sa kanila pag pinakialaman nila.

Nakakatakot Na Karanasan (true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon