Sapi

437 12 0
                                    

Karanasan po ito ng second cousin ko.

Na aalala ko pa yung nangyari sa kanya noon, six years old lang ako nun at yun ang pinaka-una kung nakita na may sinapian at pinsan ko pa.

Naniniwala ba kayo pag probinsiya uso mga maligno,tikbalang,aswang,manananggal etc. mga nakakatakot na nilalang? Ako oo..pero yung nangyari sa pinsan ko ang isa sa 'di ko makakalimutan.

Si Marie (not her real name) sa Brgy. nila lola noon siya yung may pinakamahaba at magandang buhok sa mga dalaga doon. Abot hanggang hita yung haba ng buhok niya, pero sa mga dalaga doon siya yung kakaiba kasi hindi siya puwedeng maligo ng ilog kasi sa ilog na yun may malaking puno ng Balete kapansin-pansin din dun kasi bago ka makarating ng punong yun may malaking arko ng mga baging kang makikita na akala mo gate, so anyway back to story yun nga hindi siya puwedeng lumabas ng bahay pag hindi naka pusod buhok niya kasi may nagkaka gusto sa kanyang engkanto na nakatira sa puno ng Balete dun sa may tabi ng ilog.

May nangyari ng kababalaghan sa kanya noon kasi dalawang araw siyang nawala, sa tulong ng albularyo naibalik siya at noon niya kinuwento na inanyayahan daw siya ng isang gwapong lalaki sa bahay nito at pinakain daw siya ng masasarap na pagkain. Ang akala nila yun lang yun pero makalipas ang isang linggo sapi na ang nararanasan niya.

Nag umpisa yung sanasapian na siya nung isama siya ng mga kaibigan niya sa ilog maligo, tumakas lang siya kina tita kasi nga alam niya di siya papayagan ng mga yun.

Two days after nilang maligo sa ilog lagi na siyang nasasapian, tapos nagwawala siya. Pag bumabalik siya sa dati sabi niya pinipilit daw siya nung lalaki na sumama siya doon sa bahay ng lalaking yun, ayaw niya kasi nga hindi ordinaryo yung lalaking yun.

Yung mas grabe sa lahat na nangyari sa kanya ay yung ako mismo nakakita sa kanya. Kasalukuyan kaming naliligo sa ilog nun ng mga kaibigan ko nung nakita ko si Ate Marie na tumatawid ng ilog papunta siya sa puno ng Balete, ang nakakatakot dun nakalutang siya sa ilog na tumatawid at nakapikit yung mga mata niya. Pagkakita ko sa kanya dali-dali akong umahon at tinakbo yung bahay namin at tinawag sila lolo tsaka mga pinsan kong lalaki, sinabi ko sa kanila na pa puntang puno ng Balete si Ate Marie.

Pag dating nila sa ilog saktong papasok naman si Ate Marie sa malaking baging na arko, dali-dali nila itong binitbit at dinala sa bahay nila lolo. Pero pagka-upo nila kay Ate Marie bigla itong nagwala at yung tinig na lumalabas sa kanya ay boses lalaki ang sabi;

"Di niyo na siya makukuha, akin lang siya!"

Kaya pinakuha ni lolo yung albularyo sa bahay nito, pag dating ng albularyo sa bahay namin lalo pang nagwala si Ate Marie. At sumigaw sa albularyo "Wala kang magagawa! Akin na siya!" Sabay tawa ng nakakatakot. Nakakakilabot yung boses nung lalaki na sumapi sa katawan ng pinsan ko.

Sobrang lakas niya, Pinagsisipa silang lahat na nakahawak sa kanya tapos nilagyan siya ni lola ng rosaryo sa leeg pero kinagat niya ito hanggang sa maputol.

Hanggang sa nagsalita ang albularyo, "Sige, kunin mo siya pero puputulin ko yung punong tinitirhan mo!"

Pero di natinag yung sumapi sa pinsan ko, nung dumating yung pari na sinundo ng pinsan kong lalaki; natakot yung sumapi kay Ate Marie. Dinasalan siya ng pari at winisikan ng Holy Water, nakakatakot kasi umuusok yung katawan ni Ate Marie bawat talsikan ng Holy Water hanggang sa nawala yung sumapi sa kanya.

Simula noon pinaputulan niya na buhok niya at may mga taong dumating sa Brgy. nila lola at pinutol nila yung puno ng Balete.

======================================

A/N: Sorry kung medjo magulo kasi yun lang yung malinaw na naaalala ko sa mga nangyari sa pinsan ko noon.

Nakakatakot Na Karanasan (true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon