Nangyari ito noong first year highschool ako.
Sa isang public school somewhere in Samar (hindi ko na po sasabihin yung name ng school), doon kasi ako nag school first and second year.Four-thirty na nang hapon noon katapos lang ng English namin, last subject namin sa hapon. Bago kasi umuwi tumatambay muna kami ng dalawa ko pang kaibigan sa puno ng Acacia, nakatayo ito sa mismong gitna ng campus namin tapos may nakapalibot dito na sementadong upuan. Sabe-sabe ng ibang mga nag-aaral sa school na yun may nakatira daw na engkanto or ibang nilalang doon, hindi naman ako naniniwala kasi marami din naman tumatambay at naglalaro ng sipa doon lalo na kung labasan sa hapon. So ayun nga after ng English namin umupo kame doon sa upuan na nakapalibot sa Acacia, ewan kung bakit pero kaming tatlo lang ang nandun nakaupo sa puno ng time na yun. Marami namang studyante sa paligid pero yung sa may Acacia kaming tatlo lang talaga. Nagpaalam sakin sina Lyn at Rose (hindi nila tunay na pangalan) na pupunta saglit sa canteen, bibili daw sila ng makakain namin habang nakatambay daw kame doon sa puno.
"Punta kaming canteen, hindi kaba sasama?"
"Hindi na, kayo nalang tinatamad akong maglakad eh. I-bili niyo nalang akong Nova tapos Zest-o" sabe ko sabay abot ng pera sa kanila.
Tiningnan ko sila na naglalakad papuntang canteen, saktong nakapasok sila sa canteen ng may kumalabit sakin.
"Woi, diyos ko naman! Wag mo nga ko ginugulat" sabe ko sa bata na sa paglingon ko eh nakaupo na pala sa tabi ko. Siguro dumaan na naman sa sea-wall ang batang ito kaya nakapasok dito, sa isip-isip ko. Kasi maraming bata ang nakakapasok sa school kasi doon sila dumadaan sa sea-wall, tabi kasi ng dagat school namin kaya tinawag na Fisheries yung school.
"Kanina ka pa ba diyan? Hindi kasi kita napansin na umupo sa tabi ko eh?"
"Ate, hindi ka ba natatakot tumambay dito sa puno? Tapos mag-isa ka pa naman" sabi noong bata na nakatungo lang.
"Hindi naman, eh tsaka maliwanag pa naman kaya ba't ako matatakot? Teka, san kaba galing, bakit wala kang tsenilas? Siguro isa ka sa mga batang dumadaan diyan sa sea-wall para makapasok dito noh?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ko siya, pero hindi niya sinagot tanong kung yun.
"Woi! Babae, nandito na pagkain mo oh" sabay abot sakin ng Nova at Zest'o na tumatawa kasi nagulat ako sa pag tapik niya sa balikat ko.
"Anu ka ba naman Rose, mang gulat ba? At hindi mo ba nakikita may kausap ako?, oh bata sayo nalang itong Nova? Pero pag lingon ko wala na yung bata.
"Ayun, umalis na tuloy yung bata. Natakot ata sa mukha niyong dalawa"
"Bata? Seryoso? Tanong ni Lyn sakin na nakapamewang.
"Oo bata, alangan naman tiyanak. Bata nga diba sabe ko, bata! Nakaupo siya dito sa tabi ko kanina, naka sando at short siya na marungis tapos walang tsinelas. Batang lalaki"
"Alam mo halika na, doon na lang tayo tumambay sa canteen" sabi ni Lyn sabay kamkam ng mga gamit niya."Bakit ba tayo lumipat dito? eh ang ganda ng puwesto natin doon sa puno, mahangin pa kesa dito sa canteen ang init-init".
Ewan kung bakit nagkatinginan yung dalawa, tapos nag salita si Lyn.
"Alam mo Nice, kanina pag labas namin dito sa canteen nakita ka namin na ikaw lang mag-isa nakaupo doon sa puno, kaya natakot kame nung sinabe mong may kausap kang bata."Kaya simula noong nangyari, iniiwasan ko na mapalapit sa puno ng Acacia.
Pero napag isip-isip ko hindi naman bad yung bata, yun nga lang natatakot na ko tumambay sa puno ng Acacia baka makita at maka-usap ko na naman siya.
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Karanasan (true story)
HorrorAng mundo ay nababalot ng hiwaga. Sadyang may mga bagay dito sa mundong ibabaw na mahirap hanapan ng lohikal na paliwanag. Karamihan sa atin ay ipinagwa-walang bahala ang mga napapansing mga bagay na gumagalaw o mga pangitaing kakaiba. Pero ang ila...