2012 po yun nung nagbakasyon ako sa Samar sa grandparents ko, at dahil nga bagong dating kaya madalas akong abutin ng gabi sa bahay ng mga Auntie ko sa pakikipag-ckikahan.
Nung gabing yun habang tinatawag sila lola kasi nga kauwi ko lang galing kina auntie. Yung bahay pala nila lola may second floor pa nung time na yun tapos yung mga kwarto dati kurtina lang pinaka harang kaya kita mo kung may tao ba sa taas ng bahay.
"Nay! Tay! Dito na po ako," tawag ko sa kanila pagkapasok ko ng bahay kasi nga tahimik sa sala. "Hhmm kaya pala di sumasagot kasi baka di ako narinig kasi nasa kwarto pla" sabi ko sa isip ko.
After noon dumiritso na ko ng kusina, naabutan ko si lola na nagluluto ng ulam namin.
"Mano po, anung hinahanap ni tatay dun sa taas kasi prang may kinakalkal naman yun?" Tanong ko habang nakatayo sa gilid niya at nanunuod sa ginagawa niya.
"Anung pinagsasabi mo, ayun si tatay mo sa CR naliligo kaya imposible sinasabi mo" sabi niya na di man lang ako nilingon.
"Eh sinu yung nasa taas naka puting t'shirt, di ko lang nakita yung mukha kasi nakatagilid sa pinto ng kwarto". Sabi kong kinakabahan.
"Hhmm baka kinumusta ka lang ng mga alam mo na". Sabi niyang nakangiti sakin.Nalaman ko na normal na daw yun sa bahay nila kasi yung bahay nila bahay pa raw yun ng mga kastila na nabili ng parents ni lola noon.
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Karanasan (true story)
HorrorAng mundo ay nababalot ng hiwaga. Sadyang may mga bagay dito sa mundong ibabaw na mahirap hanapan ng lohikal na paliwanag. Karamihan sa atin ay ipinagwa-walang bahala ang mga napapansing mga bagay na gumagalaw o mga pangitaing kakaiba. Pero ang ila...