Story po ito ng first cousin ko na namatayan ng asawa.
Taong 2012 nang mamatay ang asawa ni ate Ann (di niya tunay na pangalan) aksdenti ang pagkahulog nito sa ginagawa nilang covered-court, basag ang bungo na naging dahilan ng pagkamatay niya.
Gabi na huling burol ng asawa ng pinsan ko nung napag pasyahan niyang itago sa kabinet lahat ng gamit ng namatay niyang asawa kasama na ang cellphone nito at tsaka niya kinandaduhan ang kabinet.
Kinabukasan maririnig mo sa buong bahay ang iyak ng pamamaalam at kalungkutan sa mga taong nagmamahal sa namatay.
"Ann, kaya mo bang sumama ng sementeryo?" Nag-aalalang tanong ni mama sa pinsan ko. Kasi madalas mahimatay si ate Ann sa kaiiyak nito. Tanging tango lang ang isinagot ni pinsan kay mama.
Noong nasa sementeryo na kami at habang nagmimisa ang Pari, may tumawag sa cellphone ni ate Ann.
"Oh my god!" Sabi ni ate Ann na nagulat sa tawag na natanggap niya.
"Ann, bakit? Sinong tumatawag? At bakit hindi mo pa sinasagot?" Tanong ni mama ko.
"Tita tignan mo!" Sabi sabay abot ng cellphone niya kay mama.
"Panu nangyari 'to? At bakit pangalan ni E**** ang nakalagay sa caller name?" Sabi ni mama na nanlalaki ang mata sa gulat/takot.
"Hindi ko alam 'Ta, basta ang alam ko nilagay ko lahat ng gamit niya sa kabinet kasama cellphone niya na naka off at nilock ko ang kabinet na yun" sagot ng pinsan ko na umiiyak.
Sa pangalawang tawag napag pasyahan ng pinsan ko na sagotin ang tawag ng asawa niya sa cellphone niya kahit nagtataka kung panu nangyari yun.
"H-hello?" kandautal na sagot niya.
"Hon, mahal na mahal ko kayo ni Thea (di tunay na name ng anak nila) wag niyo sana ako kakalimutan------tot..tot..tot
At biglang naputol yung linya ng tawag. Iyak ng iyak pinsan ko pagkarinig sa boses ng asawa niya nang bigla na lang ito nawalan ng malay.
Two days after nailibing ang asawa ni pinsan nagkwento siya sa amin. Nung tinignan niya raw cellphone ng asawa niya nakalagay sa call log nito ang pangalan niya na tinawagan nito sa araw nga ng libing nito.
Walang makapagsabi kung panu nangyari yun pero isa lang haka-haka ng pamilya namin na kaya daw tumawag yung asawa niya para ipaalam sa kanila ng anak niya na kahit wala na ito mahal na mahal niya ang pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Karanasan (true story)
HorrorAng mundo ay nababalot ng hiwaga. Sadyang may mga bagay dito sa mundong ibabaw na mahirap hanapan ng lohikal na paliwanag. Karamihan sa atin ay ipinagwa-walang bahala ang mga napapansing mga bagay na gumagalaw o mga pangitaing kakaiba. Pero ang ila...