Babae sa Pinto

533 9 0
                                    

Story po ito ng tita ko..share ko lang sa inyo

Nasa six years old pa lang ako noon tapos si tita ko naman nasa seventeen years old.

Gabi na noon at tulog na kaming tatlo nila lolo at lola.

Si tita ko naman nasa harap ng salamin kasi pupunta siya sa Plaza may sayawan kasi sa Baranggay noong time na yun, yung salamin kasi nila lola noon nakaharap sa pinto tsaka bintana kaya makikita mo kung sino yung dadaan pag nakaharap ka sa salamin. Yung bahay kasi nila lola noon style pa sa panahon ng mga Kastila na gawa sa purong matitibay na kahoy tapos up and down siya.

Sa taas kami natutulog noon, bali dalawang kwarto siya sa taas pero bago ka makarating ng mga kwarto may maluwag na space siya (hindi ko alam kung anung tawag dun) pag akyat mo pa lang sa taas yung sasalubong agad sayo yung maluwag na space na yun at doon kami natutulog nila lolo't lola tsaka si tita ko kasi yung isang kwarto ukopado nila tito ko at mga friends niya at yung isa naman mga pamangkin ng lola ko kasi doon dati sila nakatira sa bahay.

So yun nga nung time na yun kami lang nila tita, lola't lola yung natira sa bahay kasi yung iba nasa plaza na, si tita nagpa-iwan kasi sabay sila ng mga friends niya.

Kaya ayun, noong nasa harap ng salamin si tita hinayaan niyang naka bukas yung pinto kasi usapan nila ng mga kaibigan niya sunduin siya sa bahay tapos akyat nalang sila sa taas kasi andoon nga si tita, habang kami naman himbing na natutulog nila lola sa malapit sa may pinto.

Habang nag susuklay si tita ng buhok niya sa harap ng salamin may nakita siyang babae na nakatayo sa may pinto, akala niya isa sa friends niya kaya kinausap niya yung babae.

"Oh Mars, kanina ka pa ba jan? Asan na yung iba? Oy! Lady in Black tayo ah, pati shoes black" sabi ni tita habang panay suklay ng buhok niya.

Pero wala siyang nakuhang sagot mula sa babaing kausap niya kaya nilapitan niya na lang ito.

"Anu ba problema nito?. Di na nga sumasagot sa tanong ko nakayuko pa. Tssk! Adik talaga" sa isip-isip niya.

"Hoy! Hindi ka nagsasalita jan, ok ka lang ba? Don't worry mag e'enjoy tayo doon sa plaza promise!" Sabi niya sabay tapik sa braso nito.

Nagising kami sa lakas ng tili ni tita, kaya pinagalitan siya ni lolo.

"Hoy! Anu ba? Alam mong may natutulog ang ingay mo! Ba't andito ka pa akala ko ba sumabay ka sa kuya mo?" Tanong ni lolo na nabigla sa hiyaw ni tita.

"Anak, anu ba namgyari at kung makasigaw ka kala mo ni re'rape ka?" Tanong naman ni lola ko habang nakaharap na kay tita.

Si tita naman umiiyak na takot na takot.

"Ka-kasi po may babae kanina diyan sa may pinto, akala ko isa sa mga kaibigan ko. Kinausap ko pa nga eh, pero noong nilapitan ko siya pag tingala niya sakin nakita kong ang putla niya tapos hindi ko makita mga mata niya" sagot ni tita habang umiiyak.

"Hhmm hindi ka na nasanay sa bahay na ito, yan ha! Sobrang arti mo kahit gabing-gabi na nasa harap ka parin ng salamin" sabi ni lola na hindi man lang tinamaan ng takot sa kinwento ni tita.

Kaya simula noong nangyari kay tita hindi na siya na nanalamin pag gabi, hanggang ngayon tinatakpan pa niya yung salamin pag gabi na kasi nadala na siya ng takot niya.

Ang daming nag sasabi na maraming nagpapakita't nagpaparamdam noon sa lumang bahay nila lola..kahit mga dumadaan sa harap ng bahay namin pag gabi kasi yung bahay nila lola may Balcony sa taas, sabi nila pag dumadaan daw sila sa gabi may nakikita daw silang naka upo sa may Balcony, nagtataka nga sila kung bakit kahit malalim na yung gabi may nagpapa hangin pa rin sa balcony na yun.

Nakakatakot Na Karanasan (true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon