Chapter (8): Done

3.2K 141 13
                                        


Chapter (8): Because it's not yet Done

Zelah's Point of View

"Sa ngalan ng ama, ng anak, ng espirito santo, amen" mahinang bulong ko sa sarili saka nagdilat ng mga mata at nagpakawala ng ngiting animoy kontento na sa kung ano man ako, at meron ako ngayon.

Thank you Papa God!

It's been 2 months since Tanika's birthday party na... hehehe ako ang nag-organize! Waaaah! I'm so proud of myself. Napaka memorable at unforgettable ng bday ni insan!

Inalalayan ako nila Aevus at Hex para makatayo mula sa pagkakaluhod. Biyernes ngayon pero naisip kong dumalaw sa simbahan. Wala lang! Feel ko lang bumisita at kausapin si Papa God! Tapos yung lima sinamahan ako.

Si Scorch kasi at si Arrow may aasikasuhing bussiness kaya mag-o-out of the country muna sila. Nung una ayaw pa pumayag ni Scorch.. well hindi ko din naman kasi siya masisi since kabuanan ko na nga. Kaso.. na over-hear ko na importante talaga masyado ang transaction na iyon kaya dapat talagang pakatutukan ito. Kaya ayun, i assured him na as long as kasama ko yung lima, tapos yung dalawa kong pinsan, pati si Dawn and her friends sa mansion, magiging safe at okay ako.

"Miss Zel. Alam kong pogi ako. Pero sana naman wag kayong makangiti ng ganiyan ka lapad! Ayoko pang mamatay. Sayang ang genes. Gagawa pa ako ng maraming minnie me ko" anas ni Glaze with matching pogi sign pa sa sarili.

Pfftt. Pasalamat siya at nasa simbahan kami kaya pagbibigyan ko nalang ang illusion niya.

"Wag kang peeling diyan Paeigne! Alam naman nating lahat na dahil sa kagwapuhan ko kaya napapangiti si Zel. Ako pinaglilihian niyan e!" sabi naman ni Sleigh at akmang lalapit sakin pero agad siyang naharangan ni Hex.

"Stay away from Zelah! Ayokong maging kamukha mo ang pamangkin ko!"

"Awat na nga kayo. Buti pa at umuwi na tayo. Baka mamaya mapagod na tong si Miss" sabi naman ni Aevus na nakaalalay sa right side ko.

^_______^

"Ang sabihin mo.. excited kalang talagang makita si Dawn!" kantyaw ni Blizz

"Tss. Bakit ikaw, hindi ba? Kay Nika?" balik kantyaw ni Lecross.

Namula naman ang tenga ni Blizz saka umiwas ng tingin. Jusko ang cute!

"Tara na nga.. ng makita niyo na ang mga princessa niyo!" natatawa kong sabi habang nagsimulang maglakad.

Masaya ako na sa luob ng ilang months, finally.. may kaniya-kaniya nang lovelife ang mga toh. So far so good. Maliban kay Hex at Gab. Huhuhu! Di ko na talaga alam kung pano pagbabatiin ang dalawang yun.

"Kunin ko na yung kotse!" ani Glaze at naunang tumakbo palabas ng simbahan.

"Zel take your time.. Dahan-dahan lang oh. One step at a time" mahinang sabi ni Hex habang siya ang nakahawak sakin sa left side ko.

"Tama. Parang ganito lang.." saka dinemonstrate ni Sleigh ang mabagal na paglalakad.

"Ingatan niyo si Ma'am baka madapa!" -Blizz.

MSWATSG 2: The DominationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon