Chapter (12) Quinnzel's Party: The Maze
"Wala ba kayong naamoy?"
"May dumanak ng dugo" dahil sa sinabing iyon ni Scorch ay mas lalo akong napakapit ng mahigpit sa braso niya. Pinipigilan ko talagang wag tumulo ang mga luha ko. Iinisip ko palang na isa kina Azy o Quinn ang naliligo sa sarili nilang dugo para na akong pinaninikipan ng dibdib. Para na akong binabarahan sa paghinga ko. Nanghihina yung mga tuhod ko.
Naramdaman ko ang mahinang pagpapaharap sakin ni Scorch, hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka mataman akong tinignan sa mga mata "Everything will be alright Wife" he assured.
Nagiwas lang ako ng tingin. Sana nga Scorch. Sana nga.
"So what's the plan?" untag ni Cannon kaya nabaling sakaniya ang atensyon naming lahat. Binitawan nadin ni Scorch ang left hand ko pero naka intertwine naman ang magkabilang kamay namin.
"We all know what awaits us upon entering that maze" makahulugang sabi ni Hex saka nagkatinginan sila nila Scorch, Sleigh, Blizz, at Aevus.
Halata namang kami lang ni Cannon ang hindi maka relate sa usapang ito. Ano ba kasi ang meron sa maze na yan? Kapag pumasok ba kami diyan may mga traps and whatnot? Ba't parang takot silang pumasok dito?
"Teka, ano bang meron sa maze na yan at parang takot na takot kayong umapak diyan?" mukhang pareho pala kami ng iniisip ni Cannon.
"Mahigit 20 years ng hindi nagagamit ang Torture Maze na yan" paninimula ni Aevus.
"Dinga?" Gulat kong sabi. Ibig sabihin pag pumasok kami diyan madaming spider webs at baka nga tinirhan pa yan ng mga lost spirits, dahilan kung ba't parang takot sina Scorch sa makalumang maze? Pero sandali... "What do you mean Torture Maze?" Naguguluhang tanong ko.
"Eh kasi dati, nung mga panahon pa nila Tito Kris at ng nga magulang namin, dito nila isinasagawa ang parusa para sa mga taong may malalaking atraso sa kanila." ani Sleigh
"Dito isinasagawa ang Grand Torture" segunda naman ni Blizz
Grand torture? May ganon talaga sila dati?
"Well, the maze wont torture you physically but mentally it will. Mababaliw ka sa kakaikot-ikot diyan sa luob cause everytime you're close to reaching the way out, whoever is at the center of the maze can simply take control by pushing the button, and it will move to another dimension, another track. Quite mind blowing. Kaya walang nakakapasok diyan na nakakalabas ng buhay. They prefer to suicide because they know that there is no way out. Swerte ka kapag tumagal ang buhay mo ng mahigit 5 hours sa maze na yan" Wow. Halos nakanganga na ako habang nakikinig sa mga pinagsasabi ni Hex. Eto na ata ang pinakamahabang sinabi niya sa tanang buhay niya. Mas mahaba pa toh kesa dun sa senermonan niya ako dati kasi broken hearted at nagpapakalasing ako ng dahil kay Scorch. Nakaka-amaze!
Aish Zelah! Focus. Nanganganib ang buhay ng sister-in-law at anak mo tas nagawa mo pang maisingit ang bagay na yan? Maygad!
But prior to what Hex said. Grabe. Nakakabaliw nga ang maipasok sa maze na yun. Torture nga kung tutuusin. Isipin mo ha, maglalakad ka dun tas kapag papalapit kana sa labasan iibahin ang ikot ng maze tapos ikaw mababaliwna naman sa kalalakad at paghahanap. Yung tipong pinagtritripan kalang, pinaglalaruan. Akala ko sa pag ibig lang may ganon pero pati dito meron pala.
Kaya yun nga, lahat ng ni-toturtore mas pinipilinalang magpakamatay dahil alam nila na kapag ang Alferez ang may hawak sa kanila, it's really either die or die. No choice.
Kami kaya pagpumasok diyan, makakalabas pa ng buhay? Siguro. Haaaay. Yung totoo hindi ko alam! Nadgmagdagan tuloy ang naramdaman kong takot kaya napahigpit ang pagpisil ko sa kamay ni Scorch.
BINABASA MO ANG
MSWATSG 2: The Domination
Ação"I can't promise that I won't hurt you because pain is always in line with love. What I can promise is that, when I hurt you, I will never stop until I make it up to you" Paano kung dahil sa maling desisyong iyong nagawa ay bigla nalang mawala sayo...
