Chapter (13): Decision

2.7K 82 10
                                    

Chapter (13): She is the Queen, she'll make the Decision

Nagising ako nung wala akong makapang bata sa tabi ko. Bumungad sakin ang sinag ng araw na pumasok mula sa bintana ng kwarto kung saan kami natulog kagabi.

I checked the digital clock at napag-alaman kong past 11 AM na pala. Mukhang napahaba tulog ko. I must have been really tired.

Naghilamos muna ako at toothbrush bago bumaba. Naabutan ko yung mga kalalakihan sa may sala. Yung iba may pagpapartner-partner pa. Si Blizz naka-akbay kay Tanika; Si Sleigh katabi si Azura habang nakaholding-hands yung dalawa; Si Cannon na nakayakap naman kay Rio. Yung walang pares lang ay si Aevus, Arrow, at Glaze. May naamoy akong mabango galing sa kitchen kaya paniguradong andun si Evie na nagluluto kasama si Yashi. Lagi namang sila ang nagpreprepare ng pagkain kapag andito sila sa mansion. Minsan sina Aevus at Arrow nagawa din. Sina Dawn, Hans, at Lace naman malamang nasa kaniya-kaniyang trabaho na yon.

Pero eto talaga e. Gab and Hex were both siting at the opposite ends of the couch. Tsk. Akala ko ba mahal na ni bestfriend Hex si insan Gabby? Anyare dun? Natorpe ba siya?

"It's all over the news" dinig kong sabi ni Aevus.

Ano daw? Ano na naman kaya yang pinapanuod nila?

"At talagang pinagpupustahan pa nila kung ilang buwan lang tatagal ang buhay ni Baby Quinn!" inis na untag ni Glaze.

"Mga Baliw talaga ang nasa mafia media. Mga walang magawa sa buhay!" Dagdag pa ni Blizz. Etong si Blizz simula nung maging sila ni Tanika di na masyadong natutulog ang isnag toh. Iba din talaga nagagawa ng pag-ibig ano?

"Ano pa ngabang aasahan natin? Alam niyo namang madali lang kumalat ang mga bagay-bagay sa mafia news" ani Rio.

Mafia news na naman? Nakisilip ako sa tv at di pa nila ako napapansin kasi nakatayo lang ako sa likuran nila.

Tama nga. What happened yesterday was all over the news. Pinagkakaguluhan na ng media si Quinnzel. Tama nga siguro ang naisip ko kagabi. Yung baguhin ang systema.

"Si Scorch?" Imik ko.

"Ay palaka!" Napaiktad sa gulat si Sleigh "Marehosep kang bata---este Ina ka! Bakit ka ba nanggugulat?"

"Hiiii Big Siiis! ^____^"

"Good morning Miss Zel. Musta tulog?" Ngiting bati ni Aevus.

"Morning" humihikab na sabi ni Blizz.

"Mukhang napasarap tulog mo" puna ni Gabby.

"Boss is at the garden queen. With Quinnzel" sagot ni Arrow sa tanong ko kanina.

"Puntahan ko lang sila" tinalikuran ko na sila saka naglakad palabas ng hardin. Naabutan ko si Scorch na kinakausap si Quinn. Di niya ako pansin dahil nakatalikod siya sa dereksyon ko.

"You were really brave last night My Ziera. Imagine, you didn't cry all throughout the time you were stuck at that maze. I guess you just cried when you sensed that we're already near, so that we'd find you. I'm so proud of you my princess"

Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na at rinig ko ang boses ni Quinn na tunatawa. Etong anak ko nakakatampo na. Halatang may favoritism. Pag sa tatay niya laging tumatawa o ngumingiti, malimit lang na umiiyak yan, kapag gutom lang siguro. Pero sakin? Nako parang ako ata pinagprapractisan ng vocal chords niyan. Lagi pang soprano. Pftt.

"Tatay loves you so much Ziera" malambing na sabi ni Scorch.

"And Ziera loves tatay so much too" singit ko kaya napaharap si Scorch sakin at nasilayan ko ang mukha ng baby kong nakangiti. Ang cuuuuute!

MSWATSG 2: The DominationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon