Chapter (11): Quinnzel What?
Zelah's Point View
It's been 2 months simula nung makapanganak ako.
Lumuhod ako sa harap ng puntod nila. Inalis ko ang mga dahon duon, nilapag ang dalang bulaklak at nagsindi ng kandila.
"Ma" hindi pa ako nakakapagsimula pero gumagargal na agad ang bosses ko. "Mama" tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. "K-kumusta po? M-miss na miss n-na kita, kayong dalawa... Mama" gusto ko siyang yakapin. Nakakalungkot na sandaling panahon ko lang siyang nakasama.
Pinahid ko ang mga luhang tumulo pababa sa pisngi ko. Tinignan ko sina Blizz at Aevus na nakatayo sa labas ng kotse. Malayo sakin. Nginitian nila ako kaya nagpakawala din ako ng isang mapait na ngiti. Saka ibinalik ang tingin sa mga pangalan na nakaukit sa magkatabing lapida.
"Mama. Kumusta na siya?" ngayon mas naging maayos na ang pagsasalita ko. "Ano pong feeling na magkasama na kayo diyan sa langit?" tanong ko pa. "Ni----"
"Miss Zel!" hindi ko natapos ang sasabihin at napalingon sa tumawag sakin. Nakita kong tumatakbo papalapit sakin si Aevus.
"Bakit?" mahinang tanong ko.
"Si boss po kasi.." kumunot agad ang nuo ko. Anong meron kay Scorch? May nangyari bang masama sa kaniya? Sa kanila? Jusko. Sana naman wala.
Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod sa damuhan at hinarap si Aevus "What. happened?" malamig kong tanong.
"Si Qu---" naputol ang sasabihin ni Aevus dahil sa pagtawag ni blizz.
"Hoy matagal pa ba kayo diyan? Ayaw daw kasi talagang tumigil ni---"
"Eto na nga oh!" inis na bulyaw ni Aevus pabalik na ikinaputol din ng sasabihin ni Blizz.
Seriously? National Putol ng sentence day ba ngayon? Aish. Pero mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nila.
I rolled my eyes saka muling humarap sa dalawang magkatabing lapida.
Quitana Moris Kieler
Alex Kieler
"Mama, Papa! Una na po ako. Mukhang tinatawag na po kasi ako ng 'Nanay' duties e" muli akong ngumiti, this time hindi na ito mapait. Kundi isa na itong ngiti na punong-puno ng pasasalamat. "Salamat at hindi niyo muna kinuha sakin ang baby ko. Thank you so much!" ani ko saka hinila na si Aevus papunta kay Blizz.
Mabilis kaming pumasok na tatlo sa kotse. Si Blizz ang nagdradrive habang sa tabi niya si Aevus. Ako naman ay nakapwesto sa backseat.
"Sabi na ngaba at mangyayari toh. Kung bakit pa kasi dinala-dala ni Scorch si Quinn sa opisina!" inis kong sabi. Nabwubwuisit na ako kay Scorch. Akala niya ba na natutuwa na ako sa mga pinaggagawa niya sa anghel namin? Aba hindi!
Inaagawan niya ako ng trabaho. Sa aming dalawa parang siya pa ang mommy! Gustong laging nasa tabi niya at karga-karga si baby. Aba kulang nalang siya ang magbreast feed dito.
BINABASA MO ANG
MSWATSG 2: The Domination
Action"I can't promise that I won't hurt you because pain is always in line with love. What I can promise is that, when I hurt you, I will never stop until I make it up to you" Paano kung dahil sa maling desisyong iyong nagawa ay bigla nalang mawala sayo...