"I can't promise that I won't hurt you because pain is always in line with love. What I can promise is that, when I hurt you, I will never stop until I make it up to you"
Paano kung dahil sa maling desisyong iyong nagawa ay bigla nalang mawala sayo...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Zelah's Point of View
BANG!
BANG!
BANG!
"Ano ba!?" inis kong sabi nung may bumangga sa trunk ng kotseng minamaneho ko.
Kanina pa sila nakasunod samin ah! Bakit ba hanggang ngayon hindi sila maubos-ubos!?
You might be wondering what's happening right now, well I'll tell you. Kasama ko si Blizz at katatapos lang ng check-up ko with my obygiene. Si Scorch kasi masyadong busy sa kompaniya tas yung iba may kaniya-kaniyang date ata. Hindi ko alam. Basta kanina si Blizz lang talaga available at natutuwa naman akong isa lang ang kasama ko, kasi promise ang gulo talaga kapag lahat sila sumasama kada magpapacheck-up ako -_____-
Tas yun na nga, pagkalabas ng kotse ni Blizz sa parking lot ng ospital, may tatlong kotse agad ang sumunod samin at pinaulanan kami ng mga bala.
BANG!
BANG!
Si Blizz ang gumaganti ng paputok habang ako nagdradrive. Pass muna ako sa action dahil mahigit 6 months na akong buntis. Pero aba! Wag lang nilang maubos-ubos ang pasensya ko dahil nako.. hindi talaga nila magugustuhan
"Sht!" napamura ako dahil hindi ko inasahang tatapunan kami ng granada ng mga kalaban. The bomb landed on the roof of Blizz's car at buti nalang mabilis akong nakapagdrift kaya nalalaglag yung bomba at sumabog sa may kalsada

They are really testing my patience huh? Buti sana kung wala kami sa highway! Andami kayang ibang nadadamay!
Nakita kong umayos ng upo si Blizz sa tabi ko habang nag loload ng bala sa baril niya. Hindi din nakaligtas ang daplis ng braso niya sa mga mata ko.
"OY ANO!? BA'T NAGTATAGO KANA DIYAN HA!? EH MAHINA NAMAN PALA YANG TAUHAN MO QUEEN! HAHAHAHA!" dinig kong sabi ng kalaban namin saka binangga ulit ang likod na parte ng kotse ko.
Right. Inubos na talaga nila ang pasensya ko.
Finull speed ko na ang pagmamaneho hanggang 180 mph kaya medyo nakalayo kami sa kanila.
"Blizz palit tayo. Ikaw na magmaneho dito" seryoso kong sabi habang nakatingin padin sa daan.
"Are you out of your mind Miss Zel?! Hindi pwede!" angil ni Blizz pero hindi ko lang ito pinansin.
"I said drive here and I'm going to be the one that'll finish them Ford. That's an order from the queen" matigas kong sabi. Alam kong inaalala lang ni Blizz ang kalagayan ko. Syempre buntis kaya ako at medyo malaki na ang umbok sa tiyan ko. Kaso talagang nanggigil na ako sa kanila e!