Chapter (10): CarBour

3.6K 143 48
                                    

Chapter (10): Car plus Labor equals CarBour

Third Person's Point of View

"Whoo ha, whoo ha––Aaaaah! Hindi ko na talaga kaya!" sobrang layo pa nila sa ospital pero pakiramdam ni Zelah lalabas na ang baby niya.

Pakiramdam niya may napupunit ng kung ano sa baba niya at sobrang sakit talaga nun.

"Tgna! Bakit ba kasi ang layo-layo ng bahay niyo sa kabihasnan!? Pag may nangyaring masama talaga kay Zelah mapapatay ko si Alferez!" galit na may halong takot na sabi ni Cannon. Hindi niya din kasi kayang makitang nahihirapan ang kababata.

"Don't fvcking blame my brother Del Pilar!" anas ni Hex na animoy naiirita.

"MAG-AAWAY KAYO O SISIPAIN KO KAYONG DALAWA PALABAS NG KOTSE--AAAAAH!" daing na nama ni Zelah. Nagpalitan lang ng masasamang tingin ang dalawang binata saka nanahimik.

Sa kabilang dulo ng stretch limousine, tarantang inaayos naman ni Sleigh ang video camera niya habang ang kaninang payoga-yoga at chill na si Glaze ay ngayon, siyang nagdadasal.

"Jusko Lord sana maging okay lang si Mizz Zel. Promise magpapakatino na ako wala lang masamang mangyari sa kaniya. But most of all po Lord, salamat at ginawa niyo akong lalaki.. At Pogi pa. Hindi ko mararanasan ang manganak! Thank you Lord. Tsak Lord joke lang po sinabi kong magpapakatino na ako, itratry ko po pero di ko maipapangakong gagawin ko--"

"AAAAAAH PARANG HINDI NA TALAGA AABOT SA OSPITAL!"

"Lord sabi ko nga po. Magtitino na. Paabutin niyo po muna kami sa ospital bago makapanganak si Miss Zel. Amen!" pagtapos ni Glaze sa dasal.

"A--aray queen. Y-yung Kamay---aray!" reklamo naman ni Aevus dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Zelah sa kamay nito. Pakiramdam nga ng binata ay anytime mababalian na siya ng buto sa daliri.

"AAAAAAH LALABAS NA TALAGA-HAAAAAH!"

"Tawagan niyo yung mga babae!" sigaw ni Blizz na nagdradrive ng stretch limo. Pilit niyang pinakakalma ang sarili dahil baka maibangga niya pa yung kotse, pero kada naririnig niyang sumisigaw sa sakit si Zelah napapataranta din siya.

Dina-iall ni Cannon ang number ng girlfriend na si Rio saka ni-loud speaker ang phone.

"Aso si Zelah! Di na namin alam ang gagawin dito!" anas nito. Nasa kabilang kotse kasi ang mga babae at si Hans. Habang puro kalalakihan ang kasama ni Zelah.

[Kingina ano nang nangyayari kay Zelah!?] sigaw ni Rio.

"Lalabas na daw talaga e! Malayo pa tayo sa ospital!" sagot naman ni Aevus.

[She needs to do proper breathing to lessen the pain!] singit ng bosses ni Hans.

[Hans! Diba medical course ang kinuha mo!? Alam mo ba kung paano magpa-anak!?] dinig ng mga kalalakihan ang boses na iyon ni Gabby.

[Ha!? Oo. Pero hindi yan ang Field ko! Pedia ako hindi Obygne!] anas ni Hans. Wala siyang alam sa pagpapaanak at wala siyang balak subukan iyon.

"Pareho lang namang para sa bata yun diba? I really think Zelah needs a doctor now!" labag man sa luob ni Hex ang humingi ng tulong sa karibal niyang si Hans. Kailangan padin, para kay Zelah na hindi na maidrawing ang mukha at panay tulo pa ang pawis dito.

MSWATSG 2: The DominationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon