Chapter (12): Quinnzel's Party: The Clues
Zelah's Point of View
Ako nalang mag-isa ang umupong muli sa center table kung saan ang pwesto namin ni Scorch. Andun kasi siya at hiniram sakin, kasama nila Hex at iba pang mga kabatchmates niya nung college.
Aba ginalingan din e, kung kelan party ni Baby Quinn dun pa naisip makipag reunion ng Tatay niya. Ano yun? Sinabay nalang? Tsaka napag-alaman kong yung Obygne ko na si Lace, kaya pala kilala nila Scorch dahil magkabatchmates lang sila.
Bahagyang napadaan si Dawn kasama si Evie sa harap ko kaya di ko naiwasang marinig ang paguusap nila.
"Dawn sabihin mo nga sakin! Alin ba ang mas mahirap? Yung may kaagaw kang ibang babae sa lalaking gusto mo o pagkain ang tanging kaagaw mo sa atensyon niya?"
"Woah am I really hearing love problems from the great Natasha Evie Demyr?"
"Shut up"
Hindi ko na narinig ang sumunod pang sagot ni Dawn dahil nakalayo na sila sa pwesto ko. Napadaan ngalang diba? I can't help but chuckle dahil alam ko naman kung sino ang tinutukoy ni Evie. It's about Arrow. I-iling-iling kong tinanggal ang strap ng suot-suot kong heels para makalaya ang mga paa ko. Gosh. It feels heaven. Manghahalumbaba na sana ako sa mesa when a familiar woman approached me.
"Queen" sabi pa nito habang iniyuko ang ulo for a matter of 3 seconds. Right, ito yung secretary ni Dawn.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. I don't mean to be this rude but I'm just so tired. Pakiramdam ko naubusan na ako ng energy dahil sa nonstop ng pag entertain ng mga guest na gusto kaming makausap na dalawa ni Scorch kanina. Kahit hindi ko naman talaga kilala kung sino sila.
At sa gesture kong iyon, halatang natakot ang secretary ni Dawn at nagkautal-utal sa pagsalita "M-may n-nagpapabigay p-po sa inyo." saka may inabot siya saking envelope na parang half ng long bondapaper lang ang size nito. Medyo mabango pakasi sented ata ang papel na ginamit panggawa.
Agad ko itong inabot. "Kanino galing?" takang tanong ko saka sinuri ang kabuuhan ng sented envelope na hawak ko. When I looked up, wala na duon ang secretary ni Dawn.
What the? May lahi ba siyang the flash at nung malingat lang ako ng sandali ay kinuha niya ang tsansang ito upang makaalis? O sadiyang bastos lang talaga siyang kausap? Masabihan nga si Dawn na sisantihen ang isang yun.
I shrugged it off saka ibinalik ang tingin sa pink sented envelope. Nakakapagtaka kung kanino galing toh pero baka malaman ko kapag binuksan ko. Dahan-dahan kong inun-tie ang ribon nito. Walang kahirap-hirap na nagslide down ang gitnang parte ng envelope at bumungad sakin ang kagimbal-gimbal na litrato.
Agad akong napatayo sa nakita, hindi sinasadyang maapakan ko ang heels na hinubad ko kanina kaya natapilok ako at bumagsak sa sahig. Ramdam kong napatingin ang mga guest sa dereksyon ko.
"Zelah!" dinig ko ang pamilyar na boses na iyon and next thing i knew, nakaluhod na saharapan ko si Cannon "Ayos ka lang ba? Anong nang----" hindi niya na natapos ang dapat pang sasabihin nung tumama ang tingin niya sa hawak kong envelope. Kagaya ko, agad nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Para siyang tinakasan ng dugo. Pero agad namang nakabawi si Cannon.
BINABASA MO ANG
MSWATSG 2: The Domination
Ação"I can't promise that I won't hurt you because pain is always in line with love. What I can promise is that, when I hurt you, I will never stop until I make it up to you" Paano kung dahil sa maling desisyong iyong nagawa ay bigla nalang mawala sayo...