Chapter (9): Ambushed

3.3K 131 19
                                        

Chapter (9): When you find yourself being Ambushed in such bad timing

Zelah's Point of View

Pagkarating sa mansion, excited akong bumaba sa stretch limo. Kasi naman. Ang alam ko nagluluto yung girls para sa dinner namin. Tapos after dinner, slumber party! Ang sayaaaa!

Minsan pala maganda ding wala si Scorch dito sa bahay. Kahit papano nakakalabas ako ng kwarto namin.

Napatigil ako sa paglalakad nung maramdaman kong nabasa yung legs ko. Napatingin ako sa baba at...

WAAAAAAAAAAH BA't di ko naramdamang mapapa-ihe ako? Huhuhu nakalimutan ko na ba kung paano makaramdam?

"What the---Zelah!" anas ni Hex kaya napatingin ako sa kaniya. Ramdam kong namumula na ang pisngi ko sa sobrang hiya. My ghad! Naka-ihe ako sa harap ni crush. Huhuhu.

"Miss Zel.. A-anong nangyari?" napatingin din ako kay Aevus na nakaalalay padin sakin sa kabilang side. He was looking down sa mga tubig sa sahig.

Ahm.. Huhuhu. Nakakahiya na talaga toh!

"Bakit parang kinabahan ang Poging si ako?" dinig kong sabi ni Glaze sa may likuran.

"Eto na kaya yun..?" Blizz

"Hala! Mga panget! Mukhang inabutan si Mizz Zel! Ganiyan pala mag mens ang mga babae! Ang dami! Tapos akala ko ba pula ang lumalabas? E bat kay miss Zel parang tubig lang?" nagovertake si Sliegh kaya ngayon nauuna na siya saming maglakad.

"Aah" napahawak ako sa tiyan ko dahil parang may unti-unti ng namumuong sakit dito.

"Sheyt sumasakit na puson ni Miss Zel ganyan daw kasi talaga kapag dinadatnan mga babae!" ani Sleigh "Waaaaah girls! Kailangan namin ng napkin! Saan na kayo!? Girls!" sigaw pa ni Sleigh.

"Aaaah!" palakas ang nararamdaman kong sakit sa tiyan ko.

"Alien ko why are you shouting ba? Ba't ang ingay mo!" dinig ko ang boses ni Azy na sinundan ni Cannon.

"Oh andito na pala yung mga panget e"

Medyo hindi pa nila ako makita dahil natatakpan ako ni Sleigh. Aaaargh. Ang sakit na talaga ng tiyan ko! Ano na kayan nangyayari kay baby sa luob.

"Sinong panget?" humarap si Sleigh sa kanila since nakatalikod nga siya kanina kaya...

"OH MY GOSH ZELAH! PUMUTOK NA WATER BAG MO!" bungad ni Dawn na kababa lang ng hagdan.

Ha? Water bag? Meron ako nun?

"Zelah. Fvck. You're bleeding!" napatingin ako kay Hex tapos sa legs ko.

Waaaaah dugo!

Kasunod nun ang kakaibang sakit na hindi ko ma-explain sa tiyan ko.

"AAAAAAAAH!" napaliad ako sa sakit at buti nalang nakaalalay sakin sina Aevus at Hex.

"Ba't ang ingay niyo? Anong nangyayare----" Gabby's voice was cut of by my...

"AAAAAAAAAAAAH! MANGANGANAK NA ATA AKO!!" at sa pagsigaw kong yun. Tuluyan nang nataranta ang mga tao sa paligid ko.

***

Cannon's Point of View

Yung iba nagsitakbo papunta sa kung saan habang ako nanatiling nakatayo dito at nakatingin kay Zelah na halatang nahihirapan.

MSWATSG 2: The DominationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon