Chapter (15): Preparations

2.4K 88 70
                                        

Chapter (15): Everyone must set Preparations for what is bound to happen

Natasha Evie's Point of View

After 1 month...

"Tadaaaaaaa!!" masayang sabi ni Dawn habang inihaharang ang sarili niya sa harap naming lahat with both her hands raised on the air.

Two words. JUST WOW! Tinignan ko yung mga kasama ko and they too, are in great awe. Sinong hindi! We never thought Dawn could put up a Castle-like themed wedding.

"Ate Dawnyyyy!! Ohemji!! Is that really a real castle!?" Kumikinang pa niyan ang mga mata ni Azura habang itinuturo ang malaking palasyo sa likuran ni Dawn.

"Yes Azy!" Tatango-tangong sabi ni Dawn na halatang excited na excited "Wait till you guys see the inside. Para talagang dadalhin kayo sa era kung kelan uso ang mga dutches queens, kings, princesses and whatnot!" Dagdag pa nito.

"Edi ano pang hinihintay natin? Let's go!!" Sabi ni Nicka saka hinila si Azura papasok ng kastilyo.

Nakisunod naman agad kami nila Zelah, at Gabby. Dawn being our tour guide.

I know you're not asking but for everyones information. Nasa England kami ngayon. Yep. As in yung England na nabibilang sa continent ng Europe. Eh kasi dito yung venue ng inorganize na kasal ni Dawn for Yashi.

Pffftt. Ang hindi niya alam, PARA SA KANIYA TALAGA TONG KASAL NA TOH. Yes, capslock. Para di kayo maduling at mabasa niyo ng malinaw.

Ang buong akala ni Dawn she is doing this for Yashi since Glaze asked her to do so. Hindi ko ine-expect na ganito ka manhid ang bestfriend ko. Una palang dapat ramdam niya na. Based on what Glaze said na "Just think of this as your own dream wedding" at "Gamitin mo nalang ang body figure mo sa gown" ma sesense niya na na may kalokohang involve toh.

Everyone knows na surprise wedding naman talaga ito ni Aevus for her. Even Hans knows. Nilihim namin toh lahat kay Dawny kasi suprise nga diba? Alangan namang ipaglandakan namin. Tss. At buti nalang game na game naman magpanggap si Yashi. Pfft.

Unang sumalubong samin syempre ang grand ballroom pagbukas nung napakalaking pinto.

"Maygad! Ball room palang parang di na kakalahati ang mansion ni Scorch. Ano pa kaya kung yung buong palasyo na? Ilang square hectars kaya ito? Malaki na nga siya tignan sa labas aba't mas malaki pa pala talaga kapag nakapasok ka!" Manghang sabi ni Zelah habang nakatingin sa kisame. Ghad pati yung ceiling, ang ganda ng design! Napaka intricate halatang nagrerequire talaga ito ng maintenance.

"Nika, take a picture of me nga! I'll send it to my Sleigh"

"Okay Azy! Pagkatapos ako naman kunan mo ah? Isesend ko din kay Blizzy"

Napailing nalang kami sa dalawang batang ito. Pero oo nga naman, parang gusto ko din magselfie tapos isesend ko kay Arrow. Kaso wag nalang pala, hindi naman mabubusog ang isang yun sa kakatitig sa mukha ko -____-

"Actually dalawang places ang gusto ko dausan ng reception. Dito sa ballroom at sa garden. Kasi define, ang ganda ng hardin dito!" Masayang sabi ni Dawn habang naunang maakyat papunta dun sa grand staircase.

"Oh tapos? Saan mo naisip dausin yung reception?" Tanong ko.

"Sa dalampasigan! ^_____^"

"Waaaaaah! May beach dito ate Dawny!?" -Azura

"Edi pwede kaming magswiming!?" -Tanika

"Kakaiba ba dagat nila dito sa England Dawn? Maganda ba!?" At nakidagdag pa si Zelah. Palibhasa free yan sa nanay duties niya ngayon. Nasa Pilipinas pa kasi si Quinnzel kasama sina Scorch at yung boys. Nagpahuli sila ng biyahe papunta dito sa England kasi hindi daw naman nila trip mamasyal at tanging kasal lang talaga ang sadya nila dito. Unlike daw saming mga babae na kapag nakakapunta sa ibang bansa panay ang pamamasyal. Well, I coudn't agree less. Girls would be Girls.

MSWATSG 2: The DominationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon