MSWATSG 2 Prologue

15.7K 374 40
                                    

a/n: bebeh shaiiiii thankyou so much sa paggawa ng covers ko. Mahal ka ni unnie 😻❤️😽



P  R  O  L  O  G  U  E

"Sleigh okay na ba?" tanong ko sa alien na nasa harap ko ngayon na may hawak ng video cam. Kinukunan niya kasi ako ng video dahil inutusan ko siya. Ipapakita ko toh sa mga anak ko paglaki nila. Hihihi.


Nag thumbs up ito sakin kaya nagsimula na akong magsalita.




"Hi mga babies ko! Si mommy toh.. ang ganda ko noh? Hihihi.




May ikwekwento ako sa inyo at tungkol ito duon sa 7 Guards.. Kilala niyo ba sila?




Sila lang naman ay binubuo ng pitong taong magkakaiba ang pag-uugali..




May beast mode lagi na dinaig pa ang babaeng may red days sa sobra ding pagkabi-polar niya.




May tahimik lang na naging bestfriend ko na hanggang ngayon crush padin.. Shh lang kayo sa dragon ah? Masasabi ko ding siya ang pinakamatino dun sa pito.




May computer freak. Geek. Pero talagang maasahan kapag may gusto kang ipastalk, ipahack, o di kaya ipatrack. Pakiramdam ko magiging suki niya na ako dito sa book 2. Hihihi.




May laging wagas makangiti at hindi nauubusan ng goodvibes.




May baklang tulog lang ng tulog na walang pakealam except nalang kung may bakbakan.




May maloko, abnoy ng konti, mahangin dahil ayun sa kaniya pogi daw siya at isa sa mga member ng TEAM GWAPINGS




And the last and definetly the least----"




"Zelah gandahan mo intro sakin ah!" pamumutol ni Sleigh sakin.




I just rolled my eyes and spoke again "May panget na alien ^____^





Pero alam niyo ba mga babies? Ng dahil sa kanila, nakahanap ako ng totoong mga kaibigan..




Ng dahil sa kanila, nakahanap ako ng mga kasangga sa pakikipagbakbakan..




Ng dahil sa kanila nahanap ko ang taong mamahalin ako kahit ganito ako ka slow..




Ng dahil sa kanila, nakilala ko ang tunay na pagkatao ko..




Ng dahil sa kanila, I became a QUEEN. And therefore, I declare to change the system of my empire, the mafia, alang-alang sa WORLD PEACE."




Ngunit paano kung mali naman pala ang naging desisyon ko? Imbis magkaruon ng World peace, naging pasimuno pa ito sa World War III? Makakaya ko bang protektahan ang mga taong mahalaga sakin at ang sarili kong pamilya?


O unti-unti lang din silang mawawala sakin ng dahil sa maling desisyon't pamamahala ko?



💣💣💣💣💣💣💣💣💣💣

Date Started: November 9, 2016 at 11:41 PM
Date Finished:

Ang mga eksena sa kwentong ito ay naganap lamang sa isip ng may akda o sa madaling salita, katang Isip lamang. Kung may pagkakahawig man ang mga pangyayari o mga gingamit na pangalan sa kung sino mang tao, ano mang bagay, o saan mang lugar, Ito ay nagkataon lang at hindi sinasadya. Please DO NOT plagiarize my work.

MSWATSG 2: The Domination
written by majastic
All rights reserved. Copyrights ⓒ 2016.

---

a/n: ano tingin niyo sa prologue? Comment at vote kayo para mag UD na ako agad sa chapter 1

MSWATSG 2: The DominationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon