Chapter Six

202 6 1
                                    

July 14, 8:25PM

Daniel’s POV

Hindi ko talaga alam kung bakit ko ginawa ‘yon. I’ve never been that nice to a girl before. Lalo na para tawagin ko siyang “girlfriend” ko sa ibang tao?! I’ve never done that. Andaming pumapasok sa isip ko habang nagddrive ako. Eto siya ngayon, nakayakap sa’kin. Eto naman ako, kinakabahan. Sa buong buhay ko hindi pa ‘ko kinabahan ng dahil lang sa isang tao. But here I am, driving nervously. Pero what bothers me is her hand. For sure nasaktan siya kanina sa paghawak nung lalaki sa kanya. HAAY NAKO. I better concentrate on driving than thinking other things. Saglit na lang at late na kami.

In about 3 minutes, nakarating na kami sa dorm. Ang haba ng pila for attendance. HAAY! Ayoko pa naman ng pinaghihintay. Dumiretso kami sa parking then pumila na kami. After I got the keys at the registration area, we headed to our room.

In all fairness, maganda naman yung lugar. Air conditioned, malawak yung kwarto, may sari-sariling comfort room at refrigerator.. BUT FOR ONE THING. THERE’S ONLY ONE BED. I was going to go out of the room to complain whe she asked me…

“Oh, saan ka pupunta?”

“What do you expect me to do? Iisa lang ang kama oh. I WON’T SLEEP ON THE SOFA.”

“Ano naman kung iisa lang yung kama? Wala naming malisya no”

Then a guy knocked on the door and entered.

“Sir, I am Justin and I am a crew on this dorm. Sasabihin ‘ko lng po na kulang pa po kasi ng beds ngayon kaya isa pa lang po ‘yung nandito ngayon. Ipapadala ko na lang po dito yung bed kapag meron na.”

“Lahat ba ng kwarto sa floor na ‘to isa lang yung kama?”

“ No sir, Itong kwarto lang po na ‘to. Last room po kasi ‘to sa floor na ‘to so no choice talaga. Sorry sir for the inconvenience.”

“Ah. Sige na, sige na. You can go. Salamat”

“Sige po sir. Just dial *011 sa phone if you need help par ma-assist kop o kayo. Sige po. Good night sir.”

He closed the door. I CAN SAY I AM REALLY PISSED OFF. Hindi ako sanay ng natutulog ng may katabi. Basta kahit anong mangyari, matutulog ako sa kama.

Medyo malaki naman ‘yung kama. Kasya na rin ang dalawang tao PERO HINDI AKO MATUTULOG NG KASAMA KO SIYA. Kasama na nga sa kwarto, kasama pa sa kama? I just thought of a plan para maunahan ko siya sa bed.

“Hoy Emerald. Mauuna na akong magshower sa’yo ha”

“Ok!”

I went to the bathroom and took a quick shower. Paglabas ko, nakita ko siyang inaayos na ‘yung gamit niya sa cabinet. I sat on the bed and started to open my backpack of books.

“Grabe? Ang dami mo naming libro. Hindi ka naman mahilig magbasa no?”

Hindi na ‘ko nagsalita. I just let her talk habang inaayos ko sa desk ko ‘yung mga libro ko. Maya-maya, she entered the bathroom and that’s when I jumped into the bed and pretended that I’m already asleep.

Lumabas siya ng bathroom and nakita niya ‘kong tulog na (though I was just pretending). She is mumbling to herself. Akala naman niya hindi ‘ko maririnig.

“Grabe. Buti nakakasurvive ‘to sa bahay niya ng mag-isa. Ni hindi man lang ni-lock yung pinto. Tapos iniwan lang niya yung bag niya na bukas. Paano na lang kung may makapasok ditto at kunin ‘yung backpack niya? Sisisihin pa niya ako. Haay. Isa pa, hindi siya gentleman. Ayaw niya talagang magparaya lang sa kama para sa isang babae. Haay nako. Ako na nga lang dito sa sofa. Baka ‘pag tumabi pa ako sa kanya awayin niya ‘ko bukas ng umaga.”

I felt kinda guilty. Actually akala ko ipipilit niyang tumabi sa’kin sa kama pero I was wrong. I still have my eyes closed and my thoughts are swallowing me to sleep…

I saw myself standing at a crowded place. Maya-maya, nagkagulo ‘yung mga tao. May nakita akong isang babae na kinuha nung mga lalaki. She seemed so helpless. Hindi ko siya mamukhaan pero sinundan ko ‘yung mga kumuha sa kanya. Dinala siya sa isang abandoned apartment. Pagsilip ko sa bintana, I saw 2 men wearing longsleeved shirts. I witnessed kung paano nila tinrato ‘yung babae. They tied her in a chair, blindfolded, and put a dirty cloth in her mouth para hindi siya makapagsalita. I saw the guy in the blue shirt get a gun from his side pocket. He aimed the gun at her head. I was sweating. Hindi ko alam kung anong gagawin ‘ko. He was about to pull the trigger when… BAM!

Nagising ako and I saw Emerald trying to wake me up. I was panting. Sweating.

“DANIEL!!! Okay ka lang?!”

I can’t even say a word. There was that dream again. Kumuha si Emerald ng tubig then she asked me to drink it. She also wiped my face with her towel.

“Hoy! Parang hindi ka pa rin gising! Huminahon ka nga! Kinakabahan na ‘ko sa’yo ha. Matulog ka na ulit. Masamang panaginip lang ‘yan. Humiga ka na ulit. Matutulog na din ako.”

I looked at the wall clock and it was 2:45 in the morning. She told me na babalik na siya sa sofa pero I grabbed her hand. It was impossible for me to let go.

“Dito ka na lang. Please?”

“Teka lang, akala ko ba ayaw mo akong katabi?”

“Basta dito ka na lang, please?”

“Sige na nga. Basta ‘wag mo akong sasaktan kapag nanaginip ka ulit ha!”

I nodded. I swear I would be more comfortable kung may kasama ako. I've never been like this before. I've never needed anyone. Pero ngayon, iba na.

"Ano ba kasing napanaginipan mo?"

Kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari. I told her I've been having the same dream simula nang pumunta ako dito sa Pilipinas. After that andami ko nang nakwento sa kanya. Then I just heard her snoring quietly. Napatitig ako sa kanya unintentionally. Napakabright ng mukha niya kahit tulog siya. I could feel her breath on my skin. She held my hand and I swear it was the most peaceful night ever. :)

The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon