February 3, 08:52AM
EMERALD’S POV
Haay. Nakakapagod. Kulang pa ako sa tulog kasi galling ako kagabi sa shoot. Tapos, ngayon pa darating ‘yung Koreans na makakatabaho ko for a moth. Paano ako makakapagreport ng maayos sa trabaho kung ganito ako? HAAY.
Tinawagan ko si Blake para sunduin ako. Hindi naman kasi ako ihahatid ni Daryll eh. Bukod sa pagiging engineer, ano pa kayang kayang gawin niya? PSH.
9:30AM. Tapos na akong maghanda. Nasa labas na rin ng apartment si Blake. Si Daryll naman, tulog pa hanggang ngayon. Nag-iwan na lang ako ng note sa mesa para alam niya kung saan ako pupunta. Pagsakay ko ng kotse ni Blake…
“Good morning!”
“Morning.”
“Ang aga aga stressed ka? Naghanap ka na kasi ng matinong boyfriend! ‘Yung mag-aalaga sa’yo! Hindi ‘yang pinapabayaan ka.”
“Haay! Kung hindi lang ako iniwan ni Daniel eh.”
“Daniel na naman! Kung hindi Daryll, puro Daniel ang lumalabas at naririnig ko galling diyan sa bibig mo! Andito naman si Blake ah!”
“Sira. Bilisan mo na nga. Mag-drive ka na lang at baka malate tayo.”
“Ang sakit ah. Nakakainis ka! Lagi mo na lang akong nirereject! Saan ba kasi tayo? Sa airport ba? O sa studio na?”
“Hoy bestfriend, tandaan mo, professionals tayo kaya hindi pwedeng maging tayo. Sagabal lang ‘yang love love na ‘yan!”
“Pero may lovelife ka!”
“Ay, meron ba? Hindi kasi halatang meron eh. Alam mo, puro ka biro eh. Sige na! Doon tayo sa studio. Ano ‘yon? Susunduin pa natin sa airport? Ano sila sinusuwerte? PSH.”
BLAKE’S POV
Ang sakit. Ang sakit isipin na para sa taong mahal mo, kaibigan ka lang. Dinadaan ko na nga lang minsan sa biro eh. Pero ang sakit lang talga na nakikita mo siyang nahihirapan ng dahil sa iba. Lalo na kung alam mong mas kaya mo siyang alagaan.
Nakarating kami sa studio. Maya maya, may kinakausap na si Sir Jake papasok sa studio. Dumating na ‘yung Koreans na makakatrabaho namin.
“Blake, Emerald, sila nga pala si Mr. Daniel Park at Ms. Sunny Han. You will work with them for a month. Be good huh.”
EMERALD’S POV.
Stunned. Hindi ko naisip na si Daniel at si Sunny ‘yung models namin. He is waiting for me to shake hands with him.Pero hindi ko alam if I could. Nandun lang ako. Staring at him.
“Emerald… Emerald! Okay ka lang?”
Blake was calling me. I’m still frozen. He finally spoke.
“Annyeong haseyo.”
And he bowed. I just nodded. Gosh. His voice. I missed it. It gave me chills.
Si Sir Jake. Kinausap niya sila Daniel.
“Daniel, you may want to find a good hotel first before working? You must be tired.”
“Ne.”
“And you Ms. Emerald, I’ll talk to you later. See me in my office.”
As soon as Sir Jake, Daniel, and Sunny left, kinausap na ako ni Blake.
“Hoy. Emerald. Okay ka lang?”
“Si Daniel.”
“Daniel na naman? Hanggang dito ba naman si Daniel pa rin ‘yang -----“
“Si Daniel. Bumalik na siya.”
“HOY! UMAYOS KA NGA!”
“SIYA NGA SI DANIEL?! HINDI MO BA NARINIG?! AT KASAMA NIYA ‘YUNG GIRLFRIEND NIYA!”
“H-hindi nga?”
“*sigh* Oo siya ‘yun.”
“EH ANO NAMAN?! KUNG SIYA NGA NAKAKAAKTONG PARANG HINDI KA KILALA, IKAW PA ‘TONG MAGPAPAAPEKTO?!”
“Hindi naman kasi ‘yon ganon kadali, Blake”
“Oo alam ko, kaya nga hangga’t kayak o pinipilit kong maging okay ara sa’yo eh! Mahawa ka man lang!”
He grabbed my arm and said.
“Tara. Kung ayaw mo sa project na ‘to, sasabihin natin kay Sir Jake.”
“Hindi.”
“Ha?”
“Naniniwala ako may dahilan kung bakit kailangan naming magkita ulit. Malay mo, babalik na siya sa’kin.”
“Tigilan mo nga ‘yang pantasya mo. Parehas kayong taken. At sa nakikita ko, masaya siya. Ikaw kasi eh. Magboboyfirend ka na lang, ‘yan pang katulad ni Daryll.”
“Ano pa bang magagawa ko?”
“Alam mo, kahit ganyan si Daryll, nagiging unfair ka sa kanya. Siya ‘tong boyfriend mo, tapos may mahal kang iba? Emerald, kung nasasaktan ka, at kung kaya mong maghintay, makipaghiwalay ka. Malaki ka na. Alam mo na kung anong mabuti at masama para sa’yo.”
BLAKE’S POV
“Alam mo, kahit ganyan si Daryll, nagiging unfair ka sa kanya. Siya ‘tong boyfriend mo, tapos may mahal kang iba? Emerald, kung nasasaktan ka, at kung kaya mong maghintay, makipaghiwalay ka. Malaki ka na. Alam mo na kung anong mabuti at masama para sa’yo.”
Kulang na lang sabihin kong, “sa’kin ka na lang, please?”. Pero alam ko mas mahihirapan lang siya kung dadagdag pa ako sa problema niya. HAAY.
She just stared at me.
“Sige na. Pinapatawag na ako ni Sir Jake. Mamaya na lang tayo mag-usap.”
“WAIT… Hihintayin kita. A-ako na lang maghahatid sa’yo pauwi.”
And she just nodded.
BINABASA MO ANG
The Bullet
Teen FictionPaano kung once in your life you meet someone na magpapabago ng ikot ng mundo mo? Will you resist? Or will you go with the flow? Remember that love is a bullet. Mabilis. Hindi mo mapipigilan. At kapag tinamaan ka na, nasa iyo na ang desisyon para sa...